News Releases

English | Tagalog

“Tawag ng Tanghalan,” hinahanap na ang huling grand finalist na sasabak sa huling tapatan

September 17, 2019 AT 05 : 27 PM

13 of the best singers from all around the country to compete in grand finals set on September 28

Sa kaunaunahang pagkakataon sa kasaysayan ng “Tawag ng Tanghalan” sa “It’s Showtime,” nagbukas ito ng isa pang linggo para sa resbakers o dating contestants na gustong ipaglaban ang kanilang talento at pangarap para makuha ang pagkakataong makapasok sa grand finals ng kumpetisyon na magaganap sa Setyembre 28.
 
Sa lahat ng final resbakers na sumagot sa hamong ito, si Kim Nemenzo ng Visayas ang iniluklok noong Lunes (Setyembre 16) sa final seat of power matapos siyang makuha ang 100% na score mula sa mga boto ng madlang people.
 
Sa buong linggong final resbak, susubukuang depensahan ni Kim ang pwesto sa pamamagitan ng kapangyarihan niyang pumili ng tatlong mga resbaker na pagsasasabungin, at ang mananalo naman dito ang siyang makakatapat niya at susubukang umagaw sa trono niya.
 
Sa pagtatapos ng final resbak week sa Sabado (Setyembre 21), ang huling resbaker na nakaupo sa final seat of power ang siyang makakalahok at kukumpleto sa 13 grand finalists na magsasagupaan sa week-long grand finals o ‘huling tapatan’ na magsisimula naman sa Setyembre 23 (Lunes) at magtatapos sa Setyembre 29.
 
Sino kaya sa huling resbakers ang lalaban sa grand finalists na sina Elaine Duran, Ranillo Enriquez, John Mark Saga, John Michael Dela Cerna, Charizze Arnigo, Jonas Oñate, Violeta Bayawa, Julius Cawaling, Shaina Mae Allaga, Rafaello Cañedo, Mariko Ledesma at Jermaine Apil?
 
Mapapatutok pa ang madlang people sa isang pang linggo ng huling tapatan, kung saan tatanghalin ang pinakabagong “Tawag ng Tanghalan” grand champion na magwawagi ng house and lot, negosyo package, family vacation package, management contract mula ABS-CBN, recording contract sa TNT Records, at P2 milyon.
 
Patuloy na subaybayan ang pasiklaban sa kantahan sa “Tawag ng Tanghalan,” sa “It’s Showtime” tuwing tanghali sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (Sky Cable ch 167). Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/TawagNgTanghalan o sundan ang @tntabscbn sa Twitter. Para naman mapanood ang episodes ng programa, mag-download ng iWant app (iOs at Andoid) o mag-register sa iwant.ph.