ABS-CBN, the country’s leading media and entertainment company, bagged seven awards at the 17th Philippine Quill Awards for its various communication campaigns and projects that centered on public service, customer experience, and employee engagement.
Nagwagi ng pitong parangal ang ABS-CBN sa ika-17 na Philippine Quill Awards para sa iba’t ibang kampanya at proyekto nito sa komunikasyon na nakasentro sa serbisyo publiko at paghahatid ng kasiyahan sa mga kustomer at empleyado nito.
Panalo ang “Tawag Ng Tanghalan,” mula sa sikat na programang pantanghali na “It’s Showtime!,” na mula sa pagiging bahagi lamang ng palabas ay nagkaroon na rin ito ng sariling mga proyekto at mga mang-aaawit na pinapasikat.
Samantala, kinilala rin ang “Halalan 2019 Ikaw Na Ba: The DZMM Senatorial Candidates’ Interview” sa pagbibigay pagkakataon sa mga kandidato na ibahagi ang kanilang mga plano at sagot sa mga isyu upang mas makilala ng mga botante sa mga plataporma ng DZMM sa radyo, telebisyon, at online.
Nanalo rin ang “DZMM Kapamilya Day,” na inilalapit ang istasyon sa mga tao sa pagsagawa mismo ng mga programa sa mga barangay at pagtalakay ng kanilang mga problema, bukod sa paghatid ng mga libreng serbisyo at iba pang masayang aktibidad.
Tumanggap din ng parangal ang “DZMM: Good Trip” dahil sa iba-ibang serbisyong handog nito sa sa mga drayber ng mga pampumblikong sasakyan, na tinuruan din ng mga tamang gawain sa kalsada para sa kaligtasan nila at ng mga pasahero nila.
Nagdala rin ng karangalan ang ABS-CBN TVplus, na naipalaganap ang magandang kalidad ng panonood ng telebisyon sa mga kabahayan sa labas ng lungsod sa pamamagitan ng mahiwagang black box.
Pinarangalan naman ang “ABS-CBN’s Unilever Story: That Partnership That Pays Off,” para sa mahusay na pagsasanib pwersa ng ABS-CBN at Unilever, kung saan naipamalas ng ABS-CBN ang galing nito sa paggawa ng content para sa digital.
Nagwagi rin ang “Tawag Ng Tanghalan sa e-Frequency,” na patimpalak para sa mga talentadong empleyado ng ABS-CBN na naranasan kung paano maging “Tawag ng Tanghalan” contestant.
Sa pagbuslo ng pitong parangal, nominado ang ABS-CBN para sa “Company of the Year” ngayong taon, na iginagawad sa organisasyong may pinakamaraming nakuhang pagkilala. Taunang ginaganap ang Philippine Quill Awards ng International Association of Business Communicators (IABC) Philippines para kilalanin ang husay ng mga programang pang-komunikasyon ng mga kumpanya at ahensya sa nakaraang dalawang dekada.
Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Instagram, at Twitter, o pumunta sa
abscbnpr.com.