News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN, ibibida ang "Hello, Love, Goodbye" sa global trade event sa France

September 27, 2019 AT 04 : 43 PM

“Hello, Love, Goodbye,” the romantic drama movie that holds the record of being the highest-grossing Filipino film, is heading to Cannes, France for the 2019 MIPCOM, as ABS-CBN aims to showcase the movie among producers and film industry practitioners all over the world.

Top-rating Kapamilya series, kabilang din sa dadalhin Europa
 
Patuloy ang pagpapakitang gilas ng ABS-CBN sa global film industry dahil ibibida nito ang highest-grossing Filipino film na “Hello, Love, Goodbye” sa Cannes, France para sa 2019 MIPCOM, isang pagtitipon ng movie producers at ibang propesyonal sa larangan ng pelikula.

Matatandaang nakapagtala ang pelikula na pinagtambalan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards ng worldwide gross na P880 million. Pinuri rin ito ng mga manonood at movie critics dahil sa magandang takbo ng kwento at sa husay ng pag-arte ng cast.

Kabilang din sa mga ibibidang programa ng Kapamilya network sa Cannes, France ang “Kadenang Ginto,” “Sino Ang May Sala? Mea Culpa,” at “Kadenang Ginto.”

Isang taunang trade event sa France ang MIPCOM, kung saan nagtitipon ang content producers, buyers, financiers, at distributors sa larangan ng entertainment at advertising sa buong mundo.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang http://internationalsales.abs-cbn.com, o i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram. Maari ring pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.