News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN, patuloy ang pangunguna sa nationwide TV ratings

September 04, 2019 AT 10 : 43 AM

Filipinos households are still turning to ABS-CBN for insightful news and heartfelt TV programs as the network continued to hold on to its average audience share of 45% in August, or 14 points higher than GMA’s 31%, according to data from Kantar Media.

“The Killer Bride” pasok agad sa top ten…
 
Patuloy ang pagtutok ng mga kabahayan nationwide sa ABS-CBN noong Agosto sa paghahatid nito ng makabuluhang mga balita at nakakaantig na mga programa sa TV, kaya naman nakapagtala ang network ng 45% na average audience share, o 14 puntos na lamang sa 31% ng GMA, ayon sa Kantar Media.

Tinututukan pa rin ng buong sambayanan ang “FPJ’s Ang Probinsyano” (35.8%) na hawak pa rin ang titulo bilang pinakapinapanood na show nationwide sa apat na taon nito sa telebisyon. Tulad ng ‘Probinsyano,’ paboritong weekend show naman ng viewers ang nagbalik-telebisyon na “The Voice Kids” (35.5%).

Marami rin ang hindi bumibitaw sa aksyon at dramang hatid ng “The General’s Daughter” (30.9%) gabi-gabi, habang pinatunayan ng weekend shows na “Hiwaga ng Kambat” (30.6%) at “Maalaala Mo Kaya” (30.2%) na malapit sa puso ng mga Pinoy ang mga programang may kapupulutan ng aral.

Kinumpleto naman ng “TV Patrol” (28.1%), “Home Sweetie Home: Extra Sweet” (24.2%), “Kadenang Ginto” (22.7%), at “The Killer Bride” (22.5%), na pumasok agad sa top 10 ang listahan ng pinakapinapanood na TV shows nationwide.

Samantala, ABS-CBN din ang nanguna sa iba’t-ibang time blocks. Sa primetime (6:00 PM-12:00 MN), nagtala ang Kapamilya network ng 48% share, laban sa 31% ng GMA. Sa afternoon block (3:00 PM-6:00 PM), 47% ang nasungkit ng ABS-CBN, kumpara sa 33% ng GMA, habang naka-46% ang ABS-CBN sa noontime block (12:00 NN-3:00 PM), kontra sa 32% ng GMA. 39% naman ang nakuha ng Kapamilya network sa morning block (6:00 AM-12:00 NN), kumpara sa 29% ng GMA.

Humataw rin ang Kapamilya network sa Metro Manila, kung saan nakakuha ito ng 41% share, o 16 puntos na lamang sa 25% ng GMA. 36% naman ang average audience share ng ABS-CBN sa Mega Manila, habang 31% ang nakuha ng GMA. 

Pagdating naman sa Total Luzon, panalo ang ABS-CBN na may 41%, laban sa 34% ng GMA. Namayagpag din ito sa Total Visayas, kung saan nakapagtala ito ng 55%, kumpara sa 24% ng GMA, pati na sa Total Mindanao kung saan may 52% itong average audience share, kumpara sa 28% ng GMA.

Kinakatawan ng Kantar Media ang 100% ng mga manonood ng telebisyon sa buong bansa sa paggamit nito ng nationwide panel size na 2,610 na urban at rural homes.

TABLE 1.  TOTAL DAY NATIONAL TV VIEWERSHIP (URBAN AND RURAL) IN AUGUST 2019 BY HOUSEHOLDS
 
RANK TV NETWORK AUDIENCE SHARE IN %
1 ABS-CBN 45
2 GMA 31
3 TV5 3
Source: Kantar Media
 
 
 
TABLE 2.  NATIONAL PRIMETIME (6 PM-12 MN) TV VIEWERSHIP (URBAN AND RURAL) IN AUGUST 2019 BY HOUSEHOLDS
RANK TV NETWORK AUDIENCE SHARE IN %
1 ABS-CBN 48
2 GMA 31
3 TV5 4
Source: Kantar Media
 
 
 
TABLE 3.  NATIONAL MORNING (6 AM-12 NN) TV VIEWERSHIP (URBAN AND RURAL) IN AUGUST 2019 BY HOUSEHOLDS
RANK TV NETWORK   AUDIENCE SHARE IN %
1 ABS-CBN            39
2 GMA            29
3 TV5             1
  Source: Kantar Media
         
           
 
TABLE 4.  NATIONAL NOONTIME (12 NN-3 PM) TV VIEWERSHIP (URBAN AND RURAL) IN AUGUST 2019 BY HOUSEHOLDS
RANK TV NETWORK AUDIENCE SHARE IN %
1 ABS-CBN 46
2 GMA 32
3 TV5 3
Source: Kantar Media
 
 
TABLE 5.  NATIONAL AFTERNOON (3 PM-6 PM) TV VIEWERSHIP (URBAN AND RURAL) IN AUGUST 2019 BY HOUSEHOLDS
RANK TV NETWORK AUDIENCE SHARE IN %
1 ABS-CBN 47
2 GMA 33
3 TV5 2
Source: Kantar Media
 
 
TABLE 6.  TOTAL DAY LUZON TV VIEWERSHIP (URBAN AND RURAL) IN AUGUST 2019 BY HOUSEHOLDS
RANK TV NETWORK AUDIENCE SHARE IN %
1 ABS-CBN 41
2 GMA 34
3 TV5 3
Source: Kantar Media
 
 
 
TABLE 7.  TOTAL DAY VISAYAS TV VIEWERSHIP (URBAN AND RURAL) IN AUGUST 2019 BY HOUSEHOLDS
RANK TV NETWORK AUDIENCE SHARE IN %
1 ABS-CBN 55
2 GMA 24
3 TV5 4
Source: Kantar Media
 
 
TABLE 8.  TOTAL DAY MINDANAO TV VIEWERSHIP (URBAN AND RURAL) IN AUGUST 2019 BY HOUSEHOLDS
 
RANK TV NETWORK AUDIENCE SHARE IN %
1 ABS-CBN 52
2 GMA 28
3 TV5 3
Source: Kantar Media
 
 
TABLE 9.  TOTAL DAY METRO MANILA TV VIEWERSHIP IN AUGUST 2019 BY HOUSEHOLDS
 
RANK TV NETWORK AUDIENCE SHARE IN %
1 ABS-CBN 41
2 GMA 25
3 TV5 2
Source: Kantar Media
 
 
TABLE 10.  TOTAL DAY MEGA MANILA TV VIEWERSHIP IN AUGUST 2019 BY HOUSEHOLDS
RANK TV NETWORK AUDIENCE SHARE IN %
1 ABS-CBN 36
2 GMA 31
3 TV5 3
Source: Kantar Media
 
 
TABLE 11. TOP 10 MOST WATCHED REGULARLY AIRING PROGRAMS IN AUGUST 2019 IN NATIONAL URBAN AND RURAL HOMES (EXCLUDING SPECIALS)
Rank Channel Title Rating in %
1 ABS-CBN FPJ'S ANG PROBINSYANO 35.8%
2 ABS-CBN THE VOICE KIDS 35.5%
3 ABS-CBN THE GENERAL’S DAUGHTER 30.9%
4 ABS-CBN HIWAGA NG KAMBAT 30.6%
5 ABS-CBN MAALAALA MO KAYA 30.2%
6 ABS-CBN TV PATROL 28.1%
7 GMA KAPUSO MO, JESSICA SOHO 27.2%
8 ABS-CBN HOME SWEETIE HOME: EXTRA SWEET 24.2%
9 ABS-CBN KADENANG GINTO 22.7%
10 ABS-CBN THE KILLER BRIDE 22.5%