News Releases

English | Tagalog

"Evolution" ni Jake, tampok sa bagong album

September 04, 2019 AT 05 : 06 PM

Go forward with Jake in his newest album “Evolution” and check out its tracks on digital stores.

Nagbabalik si Jake Zyrus para ipakilala ang kanyang mas pinahusay na sarili hindi lang bilang transman kundi bilang mang-aawit sa kanyang bagong album na "Evolution."
 
"Yung title po na 'Evolution' hindi lang tungkol sa transition, yung evolution din sa buhay, katulad ng theme song ng bawat chapter ng buhay. Lahat connected sa buhay ko, sa boses ko, kaya po siya evolution," paliwanang ni Jake patungkol sa kahulugan ng title ng album.
 
Ipinagmamalaki ng album na binuo sa ilalim ng Star Music ang iba't ibang kanta na siguradong papaangatin ang kakaibang abilidad ni Jake na makuha ang atensyon ng mga tagapakinig.
 
"Lagi kong tinatanong nasaan siya creatively, emotionally, ano yung gusto niyang sabihin with the lyrics. Lahat 'yan, yung creative direction at yung personal stories sa likod ng mga kanta, lahat 'yan galing sa direction ni Jake," dagdag ni Star Music audio content head Jonathan Manalo.
 
Setyembre noong nakaraang taon nang ilabas ni Jake ang kantang "Diamond," ang unang single sa kanyang bagong album na inilarawan niya bilang kanyang "survival anthem." Bukod dito, dapat ding abangan ng mga fans ang iba pang mga orihinal na awitin sa album gaya ng "DNM," "Love Even If," at "Tapestry."
 
Bitbit ni Jake ang bagong kumpiyansa sa sarili dahil sa mas malalim niyang boses na maririnig sa pitong awitin ng "Evolution" album. Patunay din ito na ang talento niya sa pag-awit ay hindi mawawala at lalo lang gumagaling.
 
Bahagi si Jake ng mahuhusay na grupo ng mang-aawit sa ilalim ng Star Music na kilalang tahanan ng marami sa mga pinakamagagandang musika ng OPM mula sa pinakamalaking media at entertainment company na ABS-CBN.
 
Samahan si Jake sa kanyang pinakabagong album na "Evolution" at pakinggan ang mga awitin nito sa digital stores. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE