News Releases

English | Tagalog

Mga bagong programa, hatid ng Knowledge Channel sa ika-20 anibersaryo

September 06, 2019 AT 12 : 45 PM

Knowledge Channel celebrates its 20th year of enriching education with new programs that feature some of the country’s stars sharing their love for learning.

Enchong, Maymay, Marlo, at Khalil, namahagi ng pagmamahal sa edukason
 
Marami na namang masayang panoorin ang mga kabataang manonood ng Knowledge Channel dahil hatid nito ang mga bagong programang tampok ang ilang Kapamilya stars, sa pagdiriwang nito ng 20 taon ng pagbibigay serbisyo sa mga Pilipino.

Nagbabalik si Enchong Dee para sa bagong season ng “Agricoolture,” (simula Oktubre, tuwing Biyernes at Sabado, 4:30 PM), ang programa ng Knowledge Channel at Land Bank, na layuning turuan ang high school students kung paano pagkakakitaan ang ilang mga gawaing pang agrikultural tulad ng hog raising at fish farming.

Sa season na ito, matututunan ni Enchong ang mangisda, ang tamang pangangalaga at tamang pag-ayos ng mga kagamitang pang-pangingisda, “water management,” pagpili at pangangalaga ng mga baboy, at tamang paraan ng pag-ani.

Sasamahan naman ni Maymay Entrata si Khalil Ramos para sa pang-apat na season ng "Puno ng Buhay,” (simula ngayong Oktubre, tuwing Lunes at Linggo, 3:30 PM), kung saan ipapakita nila ang kagandahan ng mga kagubutan sa bansa. Ginawa ang programa para sa mga batang nasa para sa Grade 4 at 5 sa K-to-12 curriculum.

Handog din ng Knowledge Channel ang ang “Wikaharian,” (tuwing Lunes at Linggo, 11:30 AM at 2:30 PM), isang “animation show” na tumutulong sa mga bata para sa lalo pang pagpapalinang ng kanilang pagbabasa at pag-intindi ng mga leksyon sa paaralan.

Pinapangunahan naman ni Ate Michelle Agas kasama ang mga puppets na sina—Buboy, Billy, Chichay, at Chiton—na nabubuhay sa totoo at misteryosong mundo, ang pagtuturo sa mga batang manonood ng tamang pagbabasa, pagsusulat, at tamang pagbigkas, gamit ang musika, pagsasayaw, paggawa ng mga litrato, “live action” na animations, malilikhaing mga laro, at iba pa. 

Balik-telebisyon din si Marlo Mortel sa educational game show na “Knowledge on the Go!” (araw-araw, 10:30 AM, 12:30 PM, 2:00 PM, 5:00 PM, at 7:00 PM). Dala-dala ang isang malaking “dice” at “backpack,” nililibot ni Marlo ang mga paralan sa buong bansa upang i-test ang kaalaman ng mga nakakasalamuhang mag-aaral.
Bukod dito, handog din ng Knowledge Channel ang “Wow,” (tuwing Miyerkules at Biyernes, 12:00 PM, 3:00 PM, at 9:30 PM), isang lakbay-aral show para mas palawakin ang pag-intindi ng kabataan sa Araling Panlipunan, pati na ang nakakaaliw na “Science Says,” (araw-araw, 9:00 AM, 10:00 AM, 4:30 PM, at 7:00pm), isang “science experiment” na programa na pinagbibidahan ni Knowledge Channel resident scientist Reina Reyes.
Tampok din sa Knowledge Channel ang “Art Smart,”(araw-araw, 9:30 AM, 11:30 AM, 1:30 PM, 3:30 PM, at 5:30 PM) at “Kwentoons.”

Umeere rin sa Knowledge Channel ang documentaries na gawa ng college students sa "Class Project Year 3" (tuwing Byernes, 7:00 PM) na isang proyekto ng ABS-CBN at Philippine Association of Communication Educators (PACE).

Ang mga bagong programang ito ay napapanood online sa www.knowledgechannel.org, sa pamamagitan ng mga “portable na media libraries,” at on-air sa Knowledge Channel at iba’t-iba pang platforms ng nagungunang media at entertainment na kompnay sa bansa na ABS-CBN Corporation.