Ibabandera ng ABS-CBN ngayong Enero 27 ang pinakapinag-usapang Chinese Drama noong 2018, at itinanghal na Best Soap Oper asa Asian Academy Creative Awards ng 2019, ang “Story of Yanxi Palace,” na tungkol sa isang ordinaryong babaeng na pumasok bilang katulong sa palasyo sa pagnanais na malaman ang katotohanan sa likod ng pagkamatay ng kanyang kapatid.
Umiikot ang period drama sa matalino at mapanlinlang nababae na nagngangalangWei Yingluo (Wu Jinyan), na pumasok sa lugar ng makapangyarihan, ang Forbidden City, para ungkatin ang mga pangyayari na humantong sa pagpaslang ng kanyang kapatid, ang kanyang pagtuklas sa koneksyon dito ng kapatid ng Emperor na si Hong Zhou (Hong Yao) at Fu Heng (Xu Kai) na kapatid ng Empress, at kung paano magsisilbing motibasyon ang kanyang nalalaman sa kanyang pag-angat at pagkamit sa puso ng Emperor.
Gayunman, magiging malupit ang tadhana kay YingLuo dahil maraming pasakit at paghihirap ang kaniyang mararanasan at ng mga taong malapit sa kanya.
Maging saksi sa pag-ahon at pag laban ni YingLuo sa mga pagsubok na kanyang haharapin at kung paano unti-unting mapapalapit ang kanyang puso sa Emperor.
Ang nasabing 70-episode story ay tinaguriang most viewed online series matapos itong mapanood ng 15 billion times at mabigyan ng titulo bilang most Googled show sa first airing nito.
Huwag palampasin ang premiere ng “Story of Yanxi” ngayon Enero 27 pagkataps ng “A Soldiers Heart.”