The video, which now has close to a million views on Facebook, recently won Best Long Form Brand Image in the PROMAX Asia Awards in Singapore.
“Lola Sentenaryo” video, kinilala sa PROMAX Asia Awards
Maging sa ibang bansa, marami ang humahanga sa pambihirang kwento ni Mama Nene, ang 101-anyos na solid Kapamilya fan.
Isa ang kwento ni Mama Nene, na binansagang “Lola Sentenaryo,” sa mga tinampok sa 65th anniversary tribute videos ng Kapamilya network noong 2019. Aniya, napapawi ang kanyang lungkot tuwing nanonood siya ng teleserye, at kaya itinuturing na niyang parang mga anak at apo ang mga karakter sa TV tulad nina Cardo, Romina, at Daniela.
Kamakailan lang, nagwagi ang “Soap Opera Grandma (Lola Sentenaryo),” na halos may isang milyong views na sa Facebook, bilang Best Long Form Brand Image sa PROMAX Asia Awards sa Singapore. Kinikilala ng PROMAX Asia ang mga bukod-tanging mga proyekto sa larangan ng entertainment marketing at design.
Sinasalihan ito ng mga tanyag na kompanya sa media mula sa buong mundo tulad ng HBO Asia.
Simula nang magkaroon ng Alzheimer’s Disease ang asawa ni Mama Nene, lagi nalang siyang mag-isa dahil may kanya-kanyang pamilya na rin ang kanyang mga anak.
Ani Mama Nene sa video, “sa panonood ng ABS-CBN, nakahanap ako ng mga makakasama.” Dahil din sa patuloy niyang pagsubaybay ng Kapamilay teleseryes, nanatiling buhay ang pag-asa ni Mama Nene na magiging mas malapit ang kanyang pamilya.
Ang ABS-CBN Creative Communications Management division na pinangungunahan ni Robert Labayen, na nagsilbi ring Co-Chair sa PROMAX Asia 2019 Conference, ang gumawa ng “Soap Opera Granda (Lola Sentenaryo)” video. Panoorin ito at ibang ABS-CBN 65th anniversary tribute videos sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel at Facebook page.
Para sa karagdagang updates, i-follow ang ABS-CBN PR (@abscbnpr) sa Facebook, Twitter, at Instagram, or bisitahin ang abs-cbn.com/newsroom.