Magbabalik ang mga kinagiliwang pelikula ng isa sa pinakatiningalang action star ng bansa na si Rudy Fernandez sa Cinemo ng ABS-CBN TVplus, tuwing Sabado sa “Markang Daboy.
Animnapung pelikula ni Rudy na pinalabas mula 1980s hanggang 1990s ang eere tuwing Sabado, 1PM hanggang 3PM
Namulat ng maaga si Rudy sa buhay showbiz at napasali na sa mga pelikula ng kanyang ama na “Luksang Tagumpay” at “Emily” sa edad na tatlo. Samantala mas nakilala siya sa kanyang pagiging action star sa “Bitayin si Baby Ama” at nasundan naman ito ng box-office hit na “ “Ang Leon, Tigre, at Alamid” noong 1979.
Umugong muli ang kanyang pangalan nang gumanap siya ng true-to-life characters sa mga pelikulang, “Markang Bungo: The Bobby Ortega Story,” “Bingbong (The Vincent Crisologo Story),” at “Ping Lacson: Supercop.”
Sa kanyang career, humakot din siya ng dalawang FAMAS Best Actor awards, dalawang Film Academy of the Philippines Lifetime Achievement Awards, at isang FPJ Memorial Award.
Huwag palalampasin ang “Markang Daboy” tuwing Sabado ng hapon sa Cinemo.