News Releases

English | Tagalog

“STARLA,” TUTUPARIN ANG NATITIRANG MGA HILING SA HULING LIMANG GABI

January 07, 2020 AT 02 : 41 PM

Will the heart’s purest wishes prevail over its own selfish desires in “Starla”? Will Starla be successful with her mission and turn into a wishing star? Or will she grant a bad wish and become a black hole?

Mananaig kaya ang daing ng kabutihan, o tuluyan na itong matatabunan ng kasakiman sa “Starla”?
Sundan ang huling mga tagpo ng laban para sa pag-asa, kapatawaran, at pagmamahal sa pamilya sa pagtupad ng mga kahilingan sa huling limang gabi ng serye simula ngayong Lunes (Enero 6).

Haharap sa panibagong pagsubok sina Teresa (Judy Ann Santos), Mang Greggy (Joel Torre), at Buboy (Enzo Pelojero) dahil napasakamay na ni Dexter (Joem Bascon) si Starla (Jana Agoncillo) matapos nitong makumpirma na ang baby wishing star ang nasa likod ng mga misteryoso at hindi-maipaliwanag na milagro sa Baryo Maulap at ang dahilan kung bakit hindi maituloy-tuloy ni Dexter ang masasamang plano niya.
 
Dahil desperadong mapilit si Starla na tuparin ang kanyang gusto, kasado na ang balak ni Dexter na ilagay sa kapahamahak ang buhay nina Buboy at Mang Greggy. Dahil lima na lang ang natitira mula sa 50 hiling na dapat niyang tuparin, mag-aalala ang wishing star para sa kapanan ng kanyang sarili, ng kinikilala niyang pamilya sa lupa, at ng buong Baryo Maulap.
 
Samantala, matapos namang pagsisihan ni Teresa ang mga kasalanan niya at patawarin ang kanyang ama, nakahanda nang aminin ng abugado ang mga kasamaanng naging dulot ng paghihiganti niya laban sa mga taga-Barrio Maulap. Ngunit mapapatawad kaya siya ng mga ka-barrio niya o tuluyan na siyang itatakwil ng mga ito? Magkakaroon pa kaya siya ng pagkakataon na itama ang mga nagawang mali?

Sa kabila ng nagbabadyang lagim na ihahasik ni Dexter, mailigtas pa kaya ni Starla sina Buboy at Mang Greggy? Matuloy pa rin kaya ang pagiging full-fledged wishing star niya?
 
Ang “Starla” ay isinulat ni Dindo Perez at idinirek nina Onat Diaz, Darnel Villaflor, at Jerome Pobocan. Binigyan nito ng liwanag ang mga gabi ng mga manonood sa paghatid nito ng good vibes sa primetime at nagturo ng magagandang aral sa mga bata at buong pamilya. Sa pagsisimula ng 2020, pinapaalala rin nito at hinahangad na baunin ng mga manonood ang kahalagahan ng pagtulong sa kapwa, pagmamahal, pagpapatawad, pag-asa, at pamilya.
 
Tunghayan ang huling mga gabi ng "Starla" sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon, sundan lamang ang ABS-CBN PR sa Facebook (fb.com/abscbnpr), Twitter (@abscbnpr), at Instagram (@abscbnpr).