Catch #JMKOSessions on TikTok @jmko_music on October 9 (Friday). JMKO’s “Bakit Pa Ba” single will be out on Spotify, Apple Music, and other digital music platforms on October 10 (Saturday).
Hatid ng rising TikTok star ang bagong atake sa “Bakit Pa Ba” classic ni Jay R
Ilulunsad ng singer-songwriter at ngayon ay isa na ring TikTok sensation na si JMKO ang bago niyang single na “Bakit Pa Ba” sa kanyang mini-concert na #JMKOSessions na eksklusibong mapapanood sa TikTok sa darating na Oktubre 9 (Biyernes).
Aawitin ng Star Music artist ang kanyang orihinal na atake sa OPM hit na “Bakit Pa Ba” na unang kinanta ng R&B royalty na si Jay R noong 2003. Hatid ng bagong single na mismong si JMKO ang nag-arrange ang emosyunal na ballad feels sa tinaguriang R&B classic.
Dinadala ng kanta ang mga makikinig sa madamdaming pagsisisi at paghiling sa kapatawaran at pangalawang pagkakataon mula sa taong minamahal.
Mayroon nang 1.6 million followers sa TikTok si JMKO sa kasalukuyan. Patok sa sikat na video-sharing app ang kanyang Popcorn Duets, Duet with Me, at mashup videos na talaga namang ikinatutuwa at ginagamit ng TikTok users mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Bilang regalo sa kanyang followers, unang beses niyang ipaparinig ang “Bakit Pa Ba” sa TikTok bago ito ilabas sa digital music platforms.
Si JMKO rin ang umawit ng kantang “Aahon,” na ginamit namang soundtrack ng “The Story of Yanxi Palace” para sa Philippine airing nito.
Abangan ang virtual mini-concert na #JMKOSessions sa TikTok @jmko_music ngayong Oktubre 9 (Biyernes). Mapapakinggan na ang “Bakit Pa Ba” single sa Spotify, Apple Music, at iba pang digital music platforms simula Oktubre 10 (Sabado).
Para sa updates, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph) at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).