News Releases

English | Tagalog

Zanjoe, ayaw maagawan, pinagseselosan si Paulo sa "Walang Hanggang Paalam"

October 14, 2020 AT 12 : 47 PM

Fresh episodes now airing on A2Z channel!

Sa kabila ng masalimuot na paghahanap sa isang bata, aapaw ang selos at inggit sa isa’t isa ng mga karakter nina Paulo Avelino, Zanjoe Marudo, Arci Munoz, at Angelica Panganiban sa ABS-CBN teleseryeng “Walang Hanggang Paalam.”

Nagkakapikunan na nga ang dalawang lalaki sa buhay ni Celine (Angelica) kahit iisa ang hangarin nilang matagpuan ang na-kidnap na si Robbie. Habang kumakapit si Celine sa pangako ni Emman (Paulo) na gagawin nito ang lahat para mailigtas ang anak nila, hindi naman mapigilan ni Anton (Zanjoe) ang magselos sa dating kasintahan ng nobya.

Simula lamang ito ng titinding paligsahan sa pagitan ng dalawang lalaki, dahil mag-aagawan silang dalawa sa tiwala ni Celine. Hindi naman papayag si Anton na makalamang ang kalaban, at walang pagod na ipapakita kay Celine na siya ang mas nagmamalasakit sa bata.

Maging sa pagitan ng mga babae ay namumuo na rin ang tensyon dahil hindi nagugustuhan ni Celine ang pagiging bibo ni Sam (Arci) sa paghahanap kay Robbie.

Isa namang malaking problema ang haharapin ni Anton dahil inamin na sa kanya ng kanyang kapatid na si Amelia (Cherry Pie Picache) na ito ang nagpa-kidnap kay Robbie upang mailigtas ang sariling anak na malubha na ang kondisyon.

Magawa kaya ni Anton na sabihin kay Celine ang kanyang malagim na katotohanan? Hahayaan ba niyang patayin si Robbie para tuluyan nang mawala si Emman sa kanilang buhay?

Napapanood na ang bagong episodes ng “Walang Hanggang Paalam” sa A2Z channel 11 analog TV gabi-gabi ng 9:20 PM sa Metro Manila at mga bahagi ng Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, at Pampanga. Available din ito sa iba’t ibang cable TV at satellite TV providers sa buong bansa.

Mapapanood pa rin ito sa cable at satellite TV sa Kapamilya Channel (SKYchannel 8 sa SD  at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association sa buong bansa).

Maaari ring tumutok sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iWant app o iwanttfc.com. Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE