News Releases

English | Tagalog

“Bagong Umaga" stars at Enchong, makikipagkulitan sa "It's Showtime" ngayong Lunes

October 16, 2020 AT 03 : 14 PM

“BAGONG UMAGA” STARS AT ENCHONG, MAKIKIPAGKULITAN SA “IT’S SHOWTIME” NGAYONG LUNES

 

Isang espesyal na Monday episode ang live na ihahandog ng “It’s Showtime” ngayong Oktubre 19 dahil makikisama ang mga bida ng bagong ABS-CBN teleserye na “Bagong Umaga” at si Enchong Dee sa kulitan at paghahatid ng good vibes ng hosts.

 

Kasama sa segment na “Mas Testing” sina Tony Labrusca at Heaven Peralejo bilang mga tumpak tracer na susubukang hulaan kung sino sa persons under testing ang mas lamang sa iba’t ibang test.

Ang “Bagong Umaga” co-stars naman nilang sina Barbie Imperial, Yves Flores, Kiko Estrada, at Michelle Vito ang apat na persons under testing.

 

Tampok naman si Enchong sa segment na “Hide and Sing,” kung saan pipilitin niyang mahulaan nang tama kung sino ang celebrity singer sa tatlong “tago kanta” o mystery singers na nakabalot ng kasuotan. Kaabang-abang ang magiging hulaan at pakiramdaman dahil ang celebrity singer sa kanila ay isang OPM legend.

 

Panalo rin ang mga manonood kapag tumutok sa parehong segments dahil may tsansa silang manalo ng cash prizes kapag ginamit nila ang official hashtag of the day sa pagpo-post sa Twitter at Instagram habang nanonood.

 

Makisama sa saya ng pamilya nina Vice Ganda, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Karylle, Ryan Bang, Amy Perez, Jugs and Teddy, at ang bagong kabarkada na si Kim Chiu sa “It’s Showtime” tuwing tanghali ng mula Lunes hanggang Sabado sa A2Z channel 11 analog TV, na available sa Metro Manila at mga bahagi ng Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, at Pampanga.

 

Mapapanood din ito sa ng cable at satellite TV providers sa Kapamilya Channel (SKYchannel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association sa buong bansa), pati na sa Kapamilya Online Live sa YouTube Channel  (youtube.com/abscbnentertainment) at Facebook page (fb.com/ABSCBNnetwork) ng ABS-CBN Entertainment o sa iWant TFC app o iwanttfc.com. Mapapanood din ito ng viewers sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel.

 

Para sa updates, sundan ang @ItsShowtimena sa Twitter o i-like  ang facebook.com/ItsShowtimeNa.