News Releases

English | Tagalog

Paulo, nagtapat na ng pag-ibig kay Angelica sa "Walang Hanggang Paalam"

October 22, 2020 AT 05 : 48 PM

Airing weeknights on A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, and iWant TFC!

Tuluyan nang nagpadala sa bugso ng damdamin si Emman (Paulo Avelino) at umamin na ng totoo niyang nararamdaman para kay Celine (Angelica Panganiban) pagkatapos niya itong halikan sa ABS-CBN primetime teleserye na “Walang Hanggang Paalam.”

Sa patuloy na paghahanap nina Emman at Celine sa anak nilang si Robbie, muling napalapit ang dating magkasintahan nang mailigtas nila ang buhay ng isa’t isa.

Habang nag-iisip ng susunod nilang hakbang sa isla kung saan sila napadpad, hindi napigilan ni Emman ang kanyang emosyon at hinalikan si Celine bago sabihin sa kanyang mahal pa rin niya ito at nais niyang buuing muli ang kanilang pamilya.

“Kailan ba naging mali na mahalin kita? Hanggang ngayon hindi pa rin nawawala ang nararamdaman ko para sa 'yo. Kapag nahanap ko si Robbie, mabubuo ang pamilya natin,” pahayag ni Emman.

Nabigla man sa pag-amin ni Emman, hindi ito ikinatuwa ni Celine dahil ayon sa kanya, hindi na maaaring balikan ang kanilang nakaraan dahil si Anton (Zanjoe Marudo) na ang mahal niya.

Kailan nga ba malalaman ni Celine na ang dahilan ng paghihirap niya ngayon ay ang pamilya ni Anton? Isusuko na ba ni Emman ang kanyang pagmamahal para kay Celine?

Panoorin ang bagong episodes ng “Walang Hanggang Paalam” sa A2Z channel 11 analog TV gabi-gabi ng 9:20 PM sa Metro Manila at mga bahagi ng Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, at Pampanga. Available din ito sa iba’t ibang cable TV at satellite TV providers sa buong bansa.

Mapapanood pa rin ito sa cable at satellite TV sa Kapamilya Channel (SKYchannel 8 sa SD  at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, GSAT Direct TV channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association sa buong bansa).

Maaari ring tumutok sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iWant app o iwanttfc.com. Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel at IPTV.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE