The web of lies gets even more complicated as Lito deceives Cardo and the rest of Task Force Aguila.
Wala nang kawala sina Cardo at Alyana (Coco Martin at Yassi Pressman) mula sa pangmamanipula ni Lito matapos nitong makuha ang tiwala at utang na loob ng buong Task Force Aguila sa lalong tumitinding mga kaganapan sa Kapamilya teleseryeng “FPJ’s Ang Probinsyano.”
Mabubusog sa kabaitan sina Cardo matapos ang matagumpay na pagpapaniwala ni Lito sa kanila na hinahanap sila ng mga pulis sa rancho ng negosyante.
Dahil sa kasinungaling ito, tuluyan nang makukumbinsi si Cardo at maging si Alyana na kontrolado ni Lito ang mga pulis at kakampi nga nila ito sa kabila ng pagpapanggap nito. Naitatak na rin ni Lito sa isipan ng mag-asawa na sa oras na umalis sila sa rancho, hindi na sila maproprotektahan ni Lito at lalong malalagay sa panganib ang kanilang buhay.
Bukod naman sa panganib na dala ni Lito, malapit na ring isagawa ni Lily (Lorna Tolentino) ang mga plano niya para makuha ang kapangyarihan at kayamanan sa bansa. Para simulan ang mga plano sa susunod na halalan, ipapapatay niya si Presidente Oscar (Rowell Santiago) at papalabasing si Cardo ang salarin.
Tuluyan na kayang mapabagsak nina Lito at Lily si Cardo?
Panoorin gabi-gabi ang “FPJ’s Ang Probinsyano” sa A2Z channel 11 analog TV sa Metro Manila at mga bahagi ng Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, at Pampanga. Available din ito sa iba’t ibang cable TV at satellite TV providers sa buong bansa.
Patuloy din itong napapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 8 PM sa CineMo at Kapamilya Channel sa cable at satellite TV sa Kapamilya Channel (SKYchannel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association sa buong bansa). Maaari ring subaybayan ito sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iwant app o iwanttfc.com. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.