News Releases

English | Tagalog

The CompanY, kanta para sa mga sawi sa pag-ibig ang bagong single na "Sumakabilang Puso"

October 30, 2020 AT 02 : 42 PM

Console your broken heart by listening to The CompanY’s “Sumakabilang Puso,” out now on various digital music streaming platforms.

Nagbabalik para maghatid ng bagong musika ang Asia's premiere vocal group na The CompanY sa napapanahon nilang single na "Sumakabilang Puso" tungkol sa “pagkamatay” ng isang relasyon.
 
Inilarawan ng iconic OPM group na binubuo nina Moy Ortiz, Annie Quintos, Sweet Plantado, and OJ Mariano ang kanta bilang tribute sa mga sawi sa pag-ibig sa kanilang MYXclusive interview.
 
Swak talaga para sa mga nagluluksa sa pagtatapos ng relasyon nila ang rhythm ballad na awitin tungkol sa pag-ibig na nagtapos dahil hindi na ito kayang isalba pa. Lutang na lutang sa kanta ang harmonies ng apat pati na ang malamig na solo vocals ni OJ.
 

Agad ding na-feature ang awitin sa New Music Friday editorial playlist ng Spotify Philippines.
 
Isinulat ng OPM hitmaker na si Jungee Marcelo ang "Sumakabilang Puso" habang in-arrange naman ito ni KIKO “KIKX” Salazar” at ipinrodyus ni ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo. Tampok sa kanta ang classic Motown/Philly soul vibe.
 
Sinundan ng pinakabagong single ng The CompanY ang kanilang 2019 release mula rin sa Star Music na “’Sang Tawag Mo Lang” na kinompose ni Maestro Ryan Cayabyab at Aidon Panlaqui.
 
Pagaanin ang malungkot na puso at pakinggan ang "Sumakabilang Puso" ng The CompanY sa iba't ibang digital music streaming platforms. Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph) at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 2 PHOTOS FROM THIS ARTICLE