SKY continues to be an advocate of education as it partners with the government to aid with the Department of Education's distance learning program to continue schooling amid the current health crisis.
Namahagi rin ang SKY ng internet access para sa 32 na paaralan sa buong bansa
Mas maraming estudyante sa bansa ang makadadalo sa kanilang mga klase sa pamamagitan ng telebisyon at internet matapos makipagtulungan ang SKY sa Department of Education sa layunin nitong maghatid ng alternative distance learning sa kasagsagan ng pandemya.
Kamakailan, pumirma ang SKY ng memorandum of agreement (MOA) kasama ang mga key regional divisions ng DepEd sa Baguio, Laoag, Cebu, Iloilo, Davao, General Santos and Zamboanga, para ihatid ang DepEd TV sa regional cable TV.
Sa nasabing kasunduan, magbibigay ang SKY ng sarili nitong channel sa DepEd TV upang maipalabas ang mga programa nitong may layuning magturo ng mga aralin sa estudyante linggo-linggo para mapunan ang essential learning competency na inilunsad ng gobyerno. Nakipagugnayan din ang kagawaran sa mga kilalang brodkaster sa bansa, kabilang ang mga taga-ABS-CBN na sina Karen Davila, Kim Atienza, Jaque Manabat, Abner Mercado, at Korina Sanchez, para ihanda ang mga guro nito sa pagtuturo ng mga subject sa TV.
Kasunod nito, nilagdaan din ng SKY ang isa pang MOA kasama sina DepEd Sec. Leonor Briones at PCOO Sec. Martin Andanar, upang mamahagi ng SKY Fiber connection sa 32 na paaralang prayoridad ng kagawaran.
Lubos ang pasasalamat ng presidente at COO ng SKYcable na si Antonio Ventosa sa DepEd para sa pagkakataong makapagsilbi sa gobyerno sa gitna ng krisis na pinagdaraanan ng bansa.
Mula 1996, naging tagapagtaguyod ng edukasyon ang kumpanya, simula noong itinatag ang SKY Foundation hanggang sa ito ay naging Knowledge Channel Foundation Inc. Namahagi ito ng educational materials na base sa K to 12 curriculum ng DepEd sa mga pampublikong paaralan. Patuloy na pinapalabas ang mga araling ito sa sa SKYcable Channel 5.
Nakipagtulungan din ang Knowledge Channel sa layunin ng gobyerno na maghatid ng distance learning sa bansa sa pamamagitan ng kampanyang “School at Home,” na layuning mag-ere ng mga educational programs at simula noong Agosto 24. Sa pagbubukas muli ng pasukan noong Oktubre 5, ipinalabas muli ng Knowledge Channel ang Week 1 School at Home programming nito sa mga mag-aaral.
Para sa karagdagang balita tungkol sa SKYcable, bisitahin lamang ang official website nito na mysky.com.ph.