News Releases

English | Tagalog

14 housemates ng “PBB Connect,” ilalantad sa “It's Showtime” at “TV Patrol”

November 30, 2020 AT 10 : 49 AM

Their real names and faces to be revealed, the housemates will give a brief look into their personalities, talents, and life stories on these programs even before they enter the famous Big Brother house on Sunday (December 6).  

Theme song ng “PBB Connect,” ipinarinig bago ang Dec. 6 launch
 
Mas lalong pang masasabik ang fans ng “Pinoy Big Brother” dahil makikilala na nila ang 14 official housemates ngayong season sa “It’s Showtime” at “TV Patrol” bago pa ang kick-off ng “PBB Connect” sa Linggo (Disyembre 6).
 
Simula ngayong Lunes hanggang Sabado, ilalantad na ang mga mukha at pangalan ng mga housemate na magpapasilip sa kanilang personalidad, talento, at kwento ng buhay sa mga programang ito na mapapanood sa TV at online.
 
Sila ay sina “Single Momshie-kap ng Bataan,” “Striving Footballer ng Cebu,” “Ra-kweentera ng Quezon,” “Charming Striker ng Paranaque,” “Cheerdance Sweetheart ng Paranaque,” “Courageous Cabalen ng Pampanga,” at “Kwelang Fangirl ng Sarangani.”
 
Handa na ring magpakilala sina “Alluring Accountant ng Australia,” “Shy Biker Boy ng Butuan,” “Bunsong Boksingero ng General Santos City,” “Miss Malakas ng Misamis Oriental,” “Military Son ng Palawan,” “Makatang Marikit ng Pangasinan,” at “Dong Diskarte ng Zamboanga Del Sur.” Pumasa sila lahat sa medical, psychological, at COVID-19 exams para maging opisyal na housemate ngayong season.
 
Sila ang napili mula sa mahigit 177,000 na nag-audition sa Kumu mula sa buong mundo. Una na silang ipinakilala sa digital show na “PBB Kumulitan” kasama ang isa sa hosts ng “PBB Connect” na si Robi Domingo at ang mga dating ring housemate na sina Kiara Takahashi, Shawntel Cruz, Jem Macatuno, Lie Reposposa, at Gino Roque IV.
 
Sina Kiara, Shawntel, Jem, at Lie ang lumikha at umawit ng “Connected Na Tayo,” ang official soundtrack ng “PBB Connect.” Nasa YouTube at Facebook na ang lyric video ng kantang ito na nagawa nila maski magkakahiwalay dahil sa pandemya. 
 
“Kahit magkakalayo-layo kami, si Shawntel that time nasa Baguio, si Jem sa Pampanga, magkasama kami ni Lie, pero connected pa rin talaga kami doon sa song,” pahayag ni Kiara.
 
 
Subaybayan ang  nalalapit na pagbubukas ng bahay ni Kuya ngayong Linggo (Disyembre 6), na mapanood sa Kumu, A2Z Channel 11, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, ABS-CBN Entertainment Channel, at sa mga opisyal na social media account ng “PBB.”    
 
Para sa updates, bumisita lang sa https://app.kumu.ph/PBBabscbn, i-follow ang “PBB” sa Facebook (PBBABSCBNTV), Twitter (PBBABSCBN), at Instagram (PBBABSCBNTV), at mag-subscribe sa YouTube (Pinoy Big Brother). Para sa iba pang balita, sundan ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.