News Releases

English | Tagalog

20th anniversary ng MYX, ipinagdiriwang ngayong buwan

November 05, 2020 AT 10 : 00 AM

OPM artists, former VJs share their unforgettable MYX moments in MYX20!

Makikibahagi ang mga tanyag na OPM artists at dating MYX VJs sa anniversary celebration ng MYX, ang numero unong music channel sa bansa na ipinagdiriwang ang 20-taon nitong paghahatid ng musika at saya ngayong Nobyembre.
 
Pinamagatang “MYX20,” tampok sa pagdiriwang ang sunod-sunod na MYXclusive interviews sa Facebook at YouTube kasama ang iba’t ibang local artists na naging bahagi na ng kasaysayan ng music channel.
 
Bukod kina Daniel Padilla, Quest, Christian Bautista, Sponge Cola, Dicta License, at Moonstar88 na naglahad ng kanilang paboritong MYX moments nitong mga nakaraang araw, nakatakda ring magkwento ang Ben&Ben, Callalily, sina Ebe Dancel, Gary Valenciano, Gloc-9 at Shanti Dope, Hale, James Reid at Nadine Lustre, Jay R, Kyla, KZ, Lea Salonga, Martin Nievera. Mayonnaise, Moira dela Torre, Moonstar88, Parokya ni Edgar, Rico Blanco, Sandwich, SB19, at 6cyclemind ng kanilang memorable experiences sa music channel.
 
Nagbabalik-tanaw rin ang mga dating VJs gaya nina Luis Manzano, Nikki Gil, Chino Lui Pio, Robi Domingo, Edward Barber, Donny Pangilinan, Sunny Kim, Sharlene San Pedro, at Inigo Pascual sa kanilang naging MYX journey sa inaabangang interview kasama ang MYX VJs na sina Ai dela Cruz at Samm Alvero.
 
Bahagi rin ng “MYX20” celebration ang ilang throwback specials na eere sa MYX channel. Panoorin ang “MYX Mo!” concert tuwing gabi, 9 pm hanggang Nobyembre 14, at ang four-part “MYX Homecoming: VJs Reunion” tuwing Linggo, 4pm.
 
Babalikan rin ng music channel and ilan sa mga hindi makakalimutang eksena nito sa “MYX20” special na mapapanood sa Nobyembre 20 (Biyernes).
 
Unang umere sa telebisyon noong Nobyembre 20, 2000, nakilala ang MYX sa mga minahal na VJs at mga kwelang programa nito tampok ang iba’t ibang music videos, daily charts, eksklusibong panayam sa local at international artists, at bonggang musical events. Kasalukuyang umeere sa SKYcable, mayroon na rin itong 6.7 million followers sa Twitter, 1.26 million subscribers sa YouTube, 533K followers sa Instagram, at 8.3 million followers sa Facebook. 
 
Makisaya sa pagdiriwang ng MYX20 at magpost na ng inyong paboritong MYX moments gamit ang hashtag na #MYX20. Para sa detalye, sundan ang MYX Philippines sa Facebook (www.fb.com/MYX.Philippines), Twitter (@MYXphilippines), at Instagram (@myxph), at bisitahin ang myx.abs-cbn.com