News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN, panalong Best TV Station sa Platinum Stallion at Rawr Awards

December 10, 2020 AT 04 : 19 PM

ABS-CBN continues to be recognized as the best TV network in the country after bringing home the top awards in this year’s LionhearTV Rawr Awards and Platinum Stallion National Media Awards despite its absence on free TV.

 DZMM, hinirang na Radio Station of the Year ng Trinitians
 
Hinirang ang ABS-CBN pa rin ang kinilalang pinakamahusay na TV network sa bansa sa LionhearTV Rawr Awards 2020 at Platinum Stallion National Media Awards 2020 bagamat hindi ito napapanood sa telebisyon tulad ng dati.
 
Ginawaran ng TV Station of the Year ang ABS-CBN sa Rawr Awards dahil sa malikhain nitong pamamaraan upang patuloy na makapaglingkod sa kabila ng kawalang ng prangkisa.
 
Bukod dito, binoto rin ng mga netizen, bloggers, at miyembron ng media industries ang iba-ibang Kapamilya na programa at personalidad tulad ng “It’s Showtime,” na tinanghal na Trending Show of the Year at “Love Thy Woman,” na nanalo naman bilang Bet na Bet na Teleserye.
 
Si Vice Ganda ang hinirang na Pak na Pak na Comedian, si Toni Gonzaga ang Favorite TV Host para sa digital show niya na “I Feel U,” habang si Angel Locsin ay isa sa Most Admired Celebrities.
 
Wagi rin sa Rawr Awards, na anim na taon nang nagbibigay parangal sa pinakamahusay sa Philippine Entertainment industry,  ang dating “Pinoy Big Brother” housemate at Star Hunt artist na si Fumiya Sankai (Beshie ng Taon), ang “Isa Pa With Feelings” lead actress na si Maine Mendoza (Actress of the Year), “Ghost of the Past” (Movie ng Taon), at ag tambalang KyCine nina Kyle Echarri at Francine Diaz (Loveteam of the Year).
 
Samantala, pinagtibay rin ng mga estudyante, guro, kawani, at iba pang bahagi ng Trinity University of Asia (TUA) ang kanilang pagtitiwala at suporta sa ABS-CBN bilang isang multimedia network sa pagpili sa ABS-CBN.com bilang Digital Media Network of the Year at DZMM Radyo Patrol 630 bilang AM Radio Station of the Year.
 
Binigyang-puri rin ang broadcast icon na si Noli De Castro ng “TV Patrol” bilang Male News Personality of the Year habang si ABS-CBN News reporter na si Jervis Manahan ay pinarangalan ng Trinitian Media Educator for Broadcast Journalism award.
 
Ito na rin ang ika-anim na pagtatanghal ng Platinum Stallion National Media Awards na isinasagawa ng Media and Communication Department ng College of Arts, Sciences and Education ng TUA.
 
Para sa updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram o bumisita sa www.abs-cbn.com/newsroom.