News Releases

English | Tagalog

24 originals, MMFF movies, teleseryes sa iWantTFC, libreng mapapanood ng buong pamilya ngayong Kapaskuhan

December 18, 2020 AT 12 : 43 PM

Get into the holiday spirit and marathon these shows and movies --- all for free!

Kumpletuhin ang handaan ngayong Pasko kasama ang buong pamilya sa panonood ng mga kwentong Pinoy sa iWantTFC streaming service, na libreng magpapalabas ngayong Disyembre ng 24 na original series at movies, ABS-CBN teleseryes, at Metro Manila Film Festival (MMFF) movies ng mga nagdaang taon.

 

Bawal ang malungkot at mag-isa kay Kim Chiu sa libreng original Christmas offering ng iWantTFC na “Bawal Lumabas” kung saan ginagampanan niya ang overseas worker na si Emerald. Sa kanyang pag-uwi sa Pilipinas ngayong Pasko, susubukin niyang mapalapit ulit sa kanyang mga kapatid matapos mawalay sa kanila ng maraming taon.

 

Bukod sa katatawanan at nakakantig na pampamilyang kwentong nito, magdadala rin ito ng kilig para sa fans ng sikat na love team nina Francine Diaz at Kyle Echarri.

 

Maghahatid din ng ligaya at liwanag sa iWantTFC users ang mapagpipilian nilang original series: ang “Taiwan That You Love” ni Barbie Imperial, “Past, Present, Perfect?” nina Loisa Andalio at Shaina Magdayao, at “Call Me Tita” nina Agot Isidro, Cherry Pie Picache, Mylene Dizon, Joanna Ampil, at Angelica Panganiban.

 

Sa mga naghahanap ng libreng sine sa bahay, handog din ng iWantTFC ang original romantic comedy movie nina Kim Molina at Kit Thompson na “MOMOL Nights,” horror film ni Nathalie Hart na “Barbara Reimagined,” at ang “Everybody Loves Baby Wendy,” pinakahuling pelikulang ginawa ni Wenn V. Deramas na pinagbibidahan ni Alex Gonzaga.

 

Handog din ng iWantTFC ang ultimate na pamasko sa mga gustong mag-binge-watch ng MMFF movies ng mga nakaraang taon gaya ng “Sisterakas,” “Ang Tanging Ina Nyong Lahat,” “Ang Tanging Ina Mo (Last na ‘To)” “Father Jejemon,” “Kasal, Kasali, Kasalo” “Mano Po” at “Tanging Yaman.”

 

Kasama rin sa free lineup ngayong buwan ang “Pagpag: Siyam Na Buhay,” “Dalaw,” “Bahay ni Lola,” at “Segunda Mano,” “Manila Kingpin: The Untold Story of Asiong Salonga,” “Aishite Imasu: 1941: Mahal Kita,” at “I Love You, Goodbye.”

 

Para naman sa mga gustong balik-balikan ang mga eksena sa mga Kapamilya teleseryeng “Pamilya Ko,” “The Killer Bride,” at “Halik,” available na rin ang mga ito nang libre sa iWantTFC.

 

Pagsama-samahin na ang mag-anak sa panonood ng mga libreng movie at shows sa iWantTFC app (iOs and Android) o iwanttfc.com. Mapapanood din ang mga ito sa mas malaking screen dahil available na rin ang iWantTFC sa mga piling smart TV brands, ROKU streaming devices at Telstra TV para sa users na nasa labas ng Pilipinas. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://iwanttfc.com/help#tfc-on-smart-tv.

 

Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWant, sundan ang @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC. Kung may mga katanungan naman, ipadala ang mga ito sa Facebook page ng iWant TFC o mag-e-mail sa support@iwanttfc.com.