News Releases

English | Tagalog

Rita umeksena na; Iza di natuwa

December 18, 2020 AT 04 : 14 PM

Umeksena na nitong Huwebes (Disyembre 17) ang karakter ni Rita Avila na si Belen sa “Ang Sa Iyo Ay Akin” nang lumitaw ito sa bahay ni Ellice (Iza Calzado) matapos mawala nang ilang taon at inakalang patay na. Hindi ito ikinatuwa ni Ellice dahil dumagdag pa ito sa patong-patong na mga problema niya.

 

Hindi na alam ni Ellice kung ano ang una niyang iisipin matapos ang sunod-sunod na dagok na dumating sa kanyang buhay—ang makuha ni Marissa (Jodi Sta. Maria) ang malaking kliyente at ang pagrerebelde pa ng kanyang anak na si Hope (Kira Balinger).

 

"Buhay kayo? Buhay kayo all these years tapos ngayon ka lang magpapakita," sambit ni Ellice sa ina.

 

Gusto mang magpaliwanag ni Belen ay hindi na siya hinayaan ng anak.  

 

"Wala kang dapat ipaliwanag. Because you are as good as dead to me. Sino ka para bumalik sa buhay ko ngayon? Anong karapatan mo? Nabuhay ako ng wala ka at hindi kita kailangan," dagdag niya. 

 

Samantala, determinado pa rin si Marissa na pabagsakin si Ellice. Binabalak na nga niyang alisin sa pwesto ang kaaway bilang presidente ng Ceñidoza at kinuntsaba pa si Madam Adelina (Carla Martinez) na ibigay ang shares nito sa kompanya. 

 

Magtagumpay kaya si Marissa sa kanyang binabalak? Bakit kaya biglang nagbalik si Belen sa buhay ni Ellice? 

 

Ang “Ang Sa Iyo Ay Akin” ay likha nina Julie Anne Benitez at Dindo C. Perez.

 

Alamin kung mananaig ang katotohanan sa mga darating na gabi sa "Ang Sa Iyo Ay Akin," palabas gabi-gabi, 8:40 PM sa A2Z channel.

 

I-scan lang ang digital TV boxes para mahanap/hanapin ang A2Z channel na mapapanood sa Metro Manila at ilang bahagi ng Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, at Pampanga.

 

Palabas rin ito sa Kapamilya Channel sa cable at satellite TV (SKYcable channel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, Cignal channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association sa buong bansa). 

 

Mapapanood din ito Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, TFC, at iWant TFC app oiwanttfc.com. Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin angwww.abs-cbn.com/newsroom.