SAB’s “Dancing in the Dark” is another captivating song from the young singer-songwriter recognized for her enchanting vocals.
Nasundan agad ang proyekto ng promising singer-songwriter na si SAB sa pamamagitan ng kanyang second single na “Dancing in the Dark” mula sa Star Music.
Opisyal na inilunsad noong Biyernes (December 4), isa na namang kaaya-ayang awiting ang “Dancing in the Dark” mula kay SAB na bagamat baguhan sa industriya ay tunay na kapansin-pansin dahil sa kanyang captivating vocals.
“’Dancing In the Dark’ was a few years in the making. Ito ang unang kanta na ginawa ko sa guitar,” kwento ni SAB.
Naniniwala rin ang Star Music talent na magreresonate ang kanta sa sinuman na nakaranas ng meaningful moment kasama ang isang tao o sinuman na naka-focus sa kasalukuyan at hindi iniisip ang hinaharap. Tungkol sa isang pag-ibig na hindi tugma ang awitin na kasalukuyang tampok sa New Music Friday Philippines ng Spotify.
Sinusundan nito ang success ng unang single ni SAB na “She,” na inilabas noong Hulyo at nakatanggap ng suporta mula rin sa Spotify sa pagkakasama ng kanta sa New Music Friday playlist hindi lang sa Pilipinas kungdi pati na rin sa Thailand, Indonesia, Vietnam, Malaysia, Singapore, Taiwan, at Hong Kong. Narinig din ang awiting “She” sa Korean drama na “Flower of Evil” at sa “Hello Stranger” digital series.
Pakinggan ang bagong single ni SAB na “Dancing in the Dark” sa
iba't ibang digital music services. Mapapanood din ang
lyric video nito sa Star Music YouTube channel. Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa Facebook (
www.facebook.com/starmusicph) at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).