News Releases

English | Tagalog

“Ikaw ang Liwanag at Ligaya” ng ABS-CBN, humakot agad ng milyon-milyong views

December 05, 2020 AT 12 : 45 PM

The video featured inspiring stories of Filipinos who have proven during this pandemic that each one of us is capable of passing on God’s light and bringing real joy to one another.

Kapamilya Christmas ID, trending sa Twitter at pinuri ng netizens    

Agarang umani ng 3.8 milyong views ang ABS-CBN Christmas ID na “Ikaw Ang Liwanag at Ligaya,” sa Facebook at YouTube, wala pang isang araw matapos ilunsad noong Martes (Disyembre 1) dahil sa mensahe nito na ang Panginoon ang pinagmumulan ng liwanag at ligaya na tumagos sa puso ng mga Pilipino. 

Tampok sa video ang mga kwento ng mga Pilipino na nagpapatunay na lahat ay may kakayahang ipasa ang liwanag ng Diyos at magdulot ng kaligayahan sa bawat isa.

Kabilang diyan sina Arjanmar at ang COVID-19 survivor na si Khaye na nagkasundong magpakasal matapos lumabas si Khaye ng ospital, at ang preacher na si Monching Bueno na nagbahagi ng salita ng Diyos sa mga frontliner na kanyang hinahatid at sundo.

Pumukaw din sa damdamin ng mga manonood ang kwento ng pedicab driver na si Rodolfo Ariño, na sa kabila ng kapansanan ay patuloy na sumusuporta sa kanyang pamilya. Gayundin si Peter Roncales, na pumadyak sakay ng bisikleta makauwi lang ng Samar para makatulong sa magulang.

Nagdala rin ng liwanag at ligaya ang mga dasal at kawang-gawa na nakita sa video, na tampok din ang Kapamilya stars kasama ang mga opisyal ng ABS-CBN na sina chairman Mark Lopez, president and CEO Carlo Katigbak, and COO of broadcast Cory Vidanes.

Dahil sa mga kwento at mensahe nito, agad na nag-trending ang “Ikaw Ang Liwanag At Ligaya” sa Twitter at naging top trending video rin sa YouTube.  Ayon kay @dixsalazar, “nawalan man ng prangkisa, ang siguradong hindi mawawala ay ang pagbibigay serbisyo ng ABS-CBN. Patuloy na magiging liwanag at maghahatid ng ligaya sa bawat Kapamilyang Pilipino.” Para naman kay @rjiezcen22, ‘nakakakilabot’ ang Christmas ID. Aniya, “grabe kinikilabutan ako habang pinapanood ‘yung buong CID ng Kapamilya. Naiiyak ako. Nakaka-touch at inspiring. I feel the love of family and God. Positive vibes. #IkawAngLiwanagAtLigaya.”     

Noong Disyembre 7, mayroon na ang ABS-CBN Christmas ID na 4.3 milyong views sa YouTube at 4 milyong views sa Facebook. Ang lyric video naman na nilabas noong Nobyembre 27, ay mayroon nang 7.2 milyong views sa YouTube at 11 milyong views sa Facebook. 

Binuo ang ABS-CBN Christmas ID 2020 Video ng ABS-CBN Creative Communication Management Division na pinangungunahan nina Robert Labayen at Johnny Delos Santos, at ni ABS-CBN COO of broadcast Cory Vidanes. Sinulat nina Robert at Love Rose De Leon ang lyrics ng “Ikaw Ang Liwanag at Ligaya” habang gawa ni Thyro Alfaro ng musika, inawit namin ito ng 20 Kapamilya artists. 

Ito ay pinagtulungang buuin kasama ang Kapamilya stars, ABS-CBN News and TeleRadyo anchors at reporters, at regional MOR DJs bilang pasasalamat sa kabutihang loob at malasakit ng mga Pilipino na patuloy na sumusuporta sa ABS-CBN sa paghanap nito ng mga bagong paraan sa paglilingkod at paghahatid ng liwanag at ligaya sa publiko.  

Ipinagdiriwang din ng “Ikaw ang Liwanag and Ligaya” hindi matatawarang public service ng ABS-CBN Foundation kasama sina Ernie Lopez at Berta Lopez-Feliciano, at ng Knowledge Channel Foundation Inc. sa pangunguna ni Rina Lopez Bautista.

Ang Christmas ID 2020 Creative and Production Team ay pinangunahan ni overall head of production Sheryl Ramos, kasama sina Lawrence Arvin Sibug, Christian Faustino, Adrian Lim, Anna Charisse Perez, Revbrain Martin, Raywin Tome, Maria Lourdes Parawan, Edsel Misenas, Kathrina Sanchez, Roda Baldonado, Maria Concepcion Salire, Mariah Krizaeda Quilao, Winter Delos Reyes, Franciesca Cruz, Diane Monique Olaivar, Jhoi Pelagio-Pablo, Kathrine Panganiban, Mac Gregor Kho, Love Rose De Leon, Dhalia Mae Ga-as, Tess Perez-Mendoza, Jaimee Jan Agonia, Mark Gonzales, Glenn Albaytar, Maria Concepcion Salire, Alvin Mendoza, Karlo Emmanuel Victoriano, Regine Binuya-Bague, at Alfie Landayan.

Pinagtulungan din ito ng mga direktor mula sa ABS-CBN Entertainment at 8th St. Cinema Production.  Katuwang din dito ang ABS-CBN Integrated Marketing Team sa pangunguna nina Cookie Bartolome at Krystel Agnote, ABS-CBN TV entertainment production Laurenti Dyogi, ABS-CBN TV production non-narrative team sa ilalim ni Lui Andrada, ABS-CBN TV production narrative team ni Ruel Bayani, at Dreamscape na pinangungunahan ni Deo Endrinal, business unit heads Kylie Balagtas, Julie Anne Benitez, Lourdes De Guzman, Roda Dela Cerna, Carl Dela Merced, Raymund Dizon, Rizza Ebriega, Mercy Gonzales, Leilani Gutierrez, Joyce Liquicia, Jasmine Pallera, Erick Salud, and Reily Santiago, ABS-CBN Regional, ABS-CBN News, ABS-CBN Global, ABS-CBN Foundation, G Diaries, ABS-CBN Digital Media Division, ABS-CBN Sales, ABS-CBN TV Production Operations Team, ABS-CBN Licensing, ABS-CBN Property Management Team, ABS-CBN Star Magic, ABS-CBN Human Resources, ABS-CBN On-Air Operations and Programming Team, ABS-CBN Clinic, ABS-CBN Finance team, ABS-CBN Star MusicABS-CBN Safety and Security team, ABS-CBN Corporate Communications, at Liter of Light.

Pwede pang ulit-ulitin sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment ang ABS-CBN Christmas ID 2020: “Ikaw Ang Liwanag at Ligaya.” Para sa ibang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram, o pumunta sa abs-cbn.com/newsroom.