ABS-CBN also reiterates that it follows all pertinent labor and civil code laws in the engagement of its various types of workers.
Katulad ng aming ipinaliwanag sa committee hearing sa Senado noong Lunes (Pebrero 24), nagbibigay ng trabaho ang ABS-CBN at ang mga sangay na kumpanya nito sa 11,071 na Pilipino.
Mariin naming inuulit na sumusunod kami sa lahat ng labor at civil laws sa bansa sa aming pakikipag-ugnayan sa iba-ibang klase ng manggagawa.
Kapag ipinasara ang ABS-CBN, manganganib ang 11,071 trabahong naibibigay ng buong ABS-CBN group. Batay sa datos noong Disyembre 2019, may 5,918 direktang nagta-trabaho sa ABS-CBN na binubuo ng 2,661 regular na empleyado, 2,096 project-based seasonal workers, 1,069 independent contractors at on-camera talents, at 92 project employees.
Ang kabuhayan nilang lahat ang maaapektuhan kung ipapasara ang ABS-CBN, hindi lamang ng mga regular. Ang totoo at buong epekto ng pagpapatigil sa ABS-CBN ay mararamdaman ng 11,071 na workers sa lahat ng mga negosyo nito.
Hindi pa kasama sa bilang na ito ang mga trabahong naibibigay ng kumpanya sa mga kinukuha nitong security guards, mga cleaner, mga utility men, at iba pa mula sa third-party agencies.
Sila, ang mga pamilya nila, at ang mga Pilipinong aming pinagsisilbihan, ang aming inspirasyon sa franchise renewal process.