News Releases

English | Tagalog

Mga serbisyong hatid ng "Kapamilya Love Weekend,"

March 11, 2020 AT 04 : 52 PM

More and more Filipinos have felt the love and care of ABS-CBN as the network continued to visit barangays all over the country to offer free medical and dental services, job fair, and livelihood seminars for its “Kapamilya Love Weekend.”

Mas marami pang Pilipino ang nakaramdam ng kalinga mula sa Kapamilya Love Weekend” ng ABS-CBN na nakapaghatid na ng serbisyo at saya sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Sa Baguio, isa sa mga natulungan ng ABS-CBN sa pamamagitan ng libreng medical at dental services, job fair, at livelihood seminars si Maribel Balcita at ang anak niyang si JR. May hypoxia si JR, isang sakit kung saan may kakulangan ng oxygen sa utak. Sa panayam sa kanya sa “TV Patrol,” ipinahayag ni Maribel ang pasasalamat niya na makakuha ng libreng gamot, makapag-konsulta sa doktor, at mabigyan ng wheelchair ang anak.

Sa Palawan naman, natulungan ang magkapatid na sina Angela at JP na parehong may club foot o may deformity sa paa. Kapwa may sugat ang mga paa ng magkapatid dahil sa madalas na pagapang, at dahil sa pagbisita ng “Kapamilya Love Weekend” sa kanilang lugar, nasuri at nabigyan ng lunas ang iniindang sakit.

Bukod sa medical check-ups at libreng gamot, inalok din sa naturang “Kapamilya Love Weekend” ang libreng optical, dental, at laboratory services, libreng gupit, at libreng bakuna para sa alagang hayop.

Nakapag-ikot na ang “Kapamilya Love Weekend” sa iba’t ibang barangay sa buong bansa para mas maraming kababayan ang maabot at mapaglingkuran ng ABS-CBN.

Isa lang ang “Kapamilya Love Weekend” sa maraming public service activities na inilunsad at isinasagawa ng kumpanya sa mahigit anim na dekada nitong paglilingkod sa mga Pilipino. Paraan ito upang maipaabot ng Kapamilya network ang pasasalamat nito sa kanilang pagmamahal at suporta sa nakalipas na 65 taon.

Para sa balita, sundan ang @ABSCBNNews sa Facebook at Twitter o pumunta sa news.abs-cbn.com o iWant.ph. Para sa updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram o bumisita sa www.abs-cbn.com/newsroom.