Sixteen of ABS-CBN’s well-loved programs and stars were honored recently at the Northwest Samar State University Students’ Choice Awards for Radio and Television (NSCART).
Coco, Charo, at Vice, pinarangalan sa 11th NSCART
Labing-anim na pagkilala ang tinanggap ng mga programa at artista ng ABS-CBN na tumatak at minamahal ng manonood sa Northwest Samar State University Students’ Choice Awards for Radio and Television (NSCART) kamakailan lang.
Nanguna rito ang numero unong programa sa Pilipinas na “FPJ’s Ang Probinsyano,” na ginawaran ng Best Primetime Teleserye. Panalo rin ang paboritong panoorin sa tanghalian na “It’s Showtime,” bilang Best Noontime Variety Show.
Wagi rin si Coco Martin bilang Best Actor in a Primetime Teleserye, samantalang pinangalanang Best Noontime Variety Show Host si Vice Ganda.
Ibinoto rin ng mga estudyante ang iba pang Kapamilyang programs tulad ng “MMK” (Best Drama Anthology), “Pinoy Big Brother (PBB) Otso” (Best Reality Show) at “ASAP Natin ‘To” (Best Variety Show). Kinilala rin nila ang hosts ng mga programang ito na sina Charo Santos-Concio (Best Drama Anthology Host), Alex Gonzaga (Best Reality Show Host), at Billy Crawford (Best Variety Show Host).
Hindi rin nagpahuli ang “Gandang Gabi Vice,” na inuwi naman ang award na Best Showbiz Oriented Talk Show, habang si Vice Ganda ang napiling Best Showbiz Oriented Talk Show.
Bukod sa kanila, panalo rin ang “Umagang Kay Ganda” (Best Morning Show) at “My Puhunan” (Best Business Oriented Program), gayundin sina Dimples Romana ng “Swak na Swak” (Best Business Oriented Program Host) at Liza Soberano ng “Bagani” (Best Actress in a Primetime Teleserye).
Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bumisita sa
www.abs-cbn.com/newsroom.