News Releases

English | Tagalog

1,000 na pelikula sa iWant, libreng mapapanood ng mga tambay sa bahay

March 16, 2020 AT 05 : 28 PM

Keeping yourselves entertained at home with iWant, which has more than 1,000 movies you can binge-watch for free.

Nasa bahay ba ang buong pamilya, walang magawa, at naghahanap ng mapaglilibangan?
 
Sagot na ng iWant ang libreng sine hanggang Abril dahil walang bayad ang panonood dito ng higit sa 1,000 pelikulang kinagiliwan ng mga Pinoy at pumalo sa takilya – mula sa nakakatawa at nakakapagpaluha, hanggang sa nakakakilig.
 
Pagkatapos mag-download at mag-register sa iWant app sa iOs at Android, makakapanood na ng mga pelikula ni Vice Ganda kabilang na ang “Gandarrapiddo: The Revenger Squad,” “Beauty and the Bestie,” “Super Parental Guardians,” “Amazing Praybeyt Benjamin,” at “Girl Boy Bakla Tomboy.” Halakhakan din ang dala ni Ai-Ai delas Alas sa iba-ibang “Tanging Ina” movies niya.
 

Kung drama naman ang hanap, pwedeng mamili mula sa “No Other Woman,” “The Mistress,” “One More Chance,” “The Unmarried Wide,” “One More Try,” at “The Love Affair.”
 
Ulit-ulitin ang kilig ng mga paboritong love team, kagaya na lamang n “A Very Special Love,” “You Changed My Life,” at “It Takes a Man and a Woman” nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz, pati na ang “Barcelona,” “Crazy Beautiful You,” She’s Dating the Gangster,” at “Can’t Help Falling in Love” nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
 
Kung gusto namang kasama sa bonding ang mga bata at magulang, bagay ang “Feng Shui,” “Unexpectedly Yours,” “Seven Sundays,” at “Four Sisters and a Wedding.” Libre na rin sa iWant ang blockbuster hits na “Heneral Luna,” “That Thing Called Tadhana,” and Kita Kita.”
 
Ilan lamang ito sa higit sa 1,000 na libreng pelikulang laman ng iWant, ang natatanging streaming service na may pinakamalaking koleksyon ng Pinoy video content sa bansa.
 

Libre ang lahat ng ito sa iWant app (iOs and Android) o sa iwant.ph. Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWant, sundin ang @iwant sa Twitter at @iwantofficial sa Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantPH.