Catch the three well-loved characters of Kathryn Bernardo on Cinema One this March.
Panoorin at maging inspired sa iba’t ibang karakter na ginampanan ng box office queen na si Kathryn Bernardo na nagpasaya, nagpaiyak, at pumukaw sa puso ng manonood.
Tampok sa kanyang mga huling pelikula na “Three Words to Forever,” “The Hows Of Us,” at “Hello, Love, Goodbye” ang mga karakter na nagdadala ng pag-asa, nagpapakita ng pagmamahal, at naghahatid ng kapatawaran sa gitna ng mga problema at sakit ng damdamin.
Maaalala ang kanyang pagganap bilang Tin sa family drama na “Three Words to Forever.” Nag-iisa siyang anak dito nina Ricky at Cristy (Richard Gomez at Sharon Cuneta) na may planong maghiwalay pagkatapos ng 25 taong pagsasama. Lingid ito sa kanyang kaalaman at masaya siyang uuuwi mula sa ibang bansa para isorpresa ang pamilya at makisali sa wedding anniversary celebration ng kanyang lolo at lola.
Ayon sa film review ni Mark Angelo Ching, nagpakita si Kathryn ng eagerness na nakakatuwa sa kanyang pagganap. Sa pamamagitan ng kanyang role, makikita ng manonood ang paglago ng pag-ibig sa kanyang pamilya na binubuo ng tatlong henerasyon.
Hatid din ng highest grossing Filipino film of all time na “Hello, Love, Goodbye” ang isa pang nakaka-inspire na kwento ni Kathryn. Sa pagganap niya bilang Joy, isang masipag na OFW sa Hong Kong, ginawaran siya ng Best Actress award sa 2019 Entertainment Editors' Choice Awards for Movies (The Eddys).
Tampok naman dito ang kwento ni Joy na makikila si Ethan (Alden Richards), ang lalaking determinadong makuha ang kanyang pag-ibig sa kabila ng pagnanais ni Joy na matupad ang pangarap niyang makapagtrabaho sa Canada bilang nars.
Marami namang pinaiyak si Kathryn sa pagganap niya bilang George sa isa pang blockbuster hit na “The Hows Of Us,” isa sa mga pelikula niya kapares ang kanyang nobyo na si Daniel Padilla.
Sa kanyang hirap na dinanas nang lubhang malungkot si Primo (Daniel) dahil sa inasam na big break na hindi dumating, kinakailangan ni George isakripisyo ang sarili at nang lumaon, kinailangan ding magdesisyon kung mananatili siya sa relasyon nila o mabubuhay na wala sa Primo sa tabi niya.
Balikan ang mga naging paglalakbay nina Tin, Joy, at George sa pagpapalabas ng Cinema One ng mga pelikulang ito ngayong buwan. Abangan ang “Three Words to Forever” sa Biyernes (Marso 20), 7 pm at ang “Hello, Love, Goodbye” sa Sabado (Marso 21), 9 pm; sa Linggo (Marso 22), 5 pm; sa Marso 25 (Miyerkules), 1pm; at sa Marso 29 (Linggo), 7pm. Ipapalabas naman ang “The Hows Of Us” sa Marso 29 (Linggo), 5 pm.
Mapapanood ang Cinema One sa SKYcable Channel 56, SKYdirect Channel 19, Destiny Cable Analog 37 at Digital 56. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang
www.abs-cbn.com/newsroom.