Muling mapapanood ang “Sine’skwela,” “Bayani,” at “Hiraya Manawari,” mga programang kinapulutan ng aral ng batang 90s, tuwing Sabado ng umaga simula March 28.
Dala ng “Sine’skwela” tuwing 8:30 AM ang simpleng pagtalakay sa mga kumplikadong aralin sa siyensya at teknolohiya kasama ang iba’t-ibang karakter na sama-samang tutuklasin ang mga sagot ng bawat tanong.
Ang “Sine’skwela ay nag-iwan ng marka sa mga estudyante noong 90s at early 2000s nang imandato ng Department of Education (DepEd) na ipalabas bawat linggo sa mga klase bilang tulong sa pag-aaral ng mga estudyante sa siyensya.
Dadalhin naman ng “Bayani,” na mapapanood tuwing 9:00 AM, ang mga kabataan sa sinaunang panahon kung saan mas makikilala nila ang mga tinitangalang bayani ngayon at makikita kung paano nila ipinaglaban ang kalayaan ng mga Pilipino.
Gaya ng “Sine’skwela,” ang “Bayani” ay inendroso rin ng DepEd para madagdagan ang kaalaman ng mga estudyante. Ilan sa mga bayaning tinalakay sa palabas ay sina Jose Rizal, Andres Bonifacio, Emilio Aguinaldo, at Apolinario Mabini.
Iba’t-ibang kwentong kapupulutan ng kagandahang asal ang matutunghayan sa “Hiraya Manwari” kada 9:30 AM sa pagpapakita nito ng mga karakter na magpapamalas ng mga mabubuting aral na dapat tularan ng mga kabataan.
Ang “Sine’skwela,” “Bayani,” at “Hiraya Manawari” ay likha ng ABS-CBN Foundation, ang dating ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation, Inc., na itinayo ni Gina Lopez.
Ipinapalabas din ang mga programa sa ABS-CBN TVplus, SKYdirect, at SKYcable tuwing 6:30 AM ("Bayani"), 7:00 AM, ("Hiraya Maniwari"), at 8:30 AM ("Sine'skwela") sa "Stay At Home, Learn at Home" ng Knowledge Channel Foundation.
Para sa updates tungkol sa ABS-CBN shows, sundan lamang ang ABS-CBN PR sa Facebook (
fb.com/asbcbnpr), Twitter (@abscbnpr), at Instagram (@abscbnpr).