ABS-CBN Integrated Sports head Dino Laurena said these changes are part of ABS-CBN Sports' commitment to deliver cheer and inspiration to Filipinos especially at this difficult time for the nation.
Star Hunt artists, kasama sa “Team FitFil” nina Coach Jim at Coach Toni Saret
Ibang S+A ang matutunghayan ng mga Pilipino ngayong Abril sa paghahatid ng ABS-CBN Sports ng mga klasik na laro, nagbabagang balita, at bagong celebrity workout show para sa bawat Pilipino habang nasa quarantine dulot ng banta ng COVID-19.
Upang tulungan ang mga Pinoy na manatiling masigla habang nakapirmi sa bahay, inihahandog ng S+A ang “Team FitFil,” isang dance/fitness workout program tampok ang mga batikang trainer na si Coaches Jim at Toni Saret, kasama ang sikat na choreographer na si Mickey Perz at ang mga Star Hunt artist at Kapamilya stars. Mapapanood ito araw-araw ng 7:30 am at may replay ng 3:30 pm. Ieere rin ito tuwing Sabado at Linggo ng 8:30 am at 3:30 pm.
Nagbabalik din ang mga klasik na laro mula sa mga nagdaang season ng UAAP at NCAA sa “S+A Encore” para magbigay inspirasyon at magpasaya ng mga tao. Abangan ang pagpapakitang gilas ng mga atleta ng UAAP basketball at volleyball sa “UAAP Classics,” at ang pagpapamalas ng talento at puso ng NCAA basketball players sa “NCAA Throwbacks” araw-araw. Patuloy naman ang papapalabas ng mga magagandang laro sa MPBL Lakan Season tuwing Lunes hanggang Miyerkules at Sabado ng 10 pm.
Handog din ng S+A sa MMA fans ang maaaksyong bakbakan sa ONE Championship noong 2019 tuwing Huwebes at Biyernes ng 9 pm. Ipapalabas din ng diretso ang ONE Warrior Series Season 4 sa Linggo (Abril 5) ng 6 pm. Hatid naman sa mahihilig sa kotse at karer ang “Rev” ng ANC , “Mobil 1 The Grid,” at “Formula E Racers” na mapapanood araw-araw sa ganap na 1:30 pm at 6:30 pm.
Layunin din ng ABS-CBN Sports na bigyang kaalaman ang mga Pilipino sa mga aksyon ng gobyerno at lagay ng bansa kaugny sa COVID-19 sa pag-ere ng ABS-CBN News Channel (ANC) sa S+A ng 8 am. Mabibigyan din ng pagkakataong magayuno at magdasal ang bawat pamilya sa Kapamilya Daily Masses tuwing Lunes hanggang Sabado ng 10 am, at 11 am kada Linggo.
Ayon kay ABS-CBN Integrated Sports head na si Dino Laurena, ang espesyal na programming ng S+A ay bahagi ng layunin ng ABS-CBN Sports na maghatid saya at inspirasyon sa bawat Pilipino lalo na sa kinahaharap na pagsubok ng bansa ngayon.
Para sa balita sa UAAP, NCAA, ONE Championship, MPBL at iba pa, sundan ang @ABSCBNSports sa Facebook, Twitter at Instagram o bumisita sa sports.abs-cbn.com. Para sa updates, sundan ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram o bumisita sa www.abs-cbn.com/newsroom.