News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN, inilunsad ang kampanyang "Ligtas Pilipinas" para sa paghahatid ng tamang impormasyon tungkol sa COVID-19

March 31, 2020 AT 02 : 18 PM

ABS-CBN is doing its part in arming Filipinos with relevant information to stop the spread of the disease through its “Ligtas Pilipinas sa COVID-19” campaign on radio, TV, and online.

Kuya Kim, Toni, at Luis, sumuporta sa kampanya…
 

Ilang linggo nang aktibo ang ABS-CBN sa radyo, TV, at online para maghatid ng impormasyon at gabay sa sambayanang Pilipino tungkol sa COVID-19 sa pamamagitan ng kampanyang “Ligtas Pilipinas sa COVID-19.”

 

Layunin ng Kapamilya network ang mapaabot sa maraming Pilipino ang tamang impormasyon sa kumakalat na sakit upang maprotektahan nila ang kani-kanilang mga sarili at pamilya.

 

Buong suporta naman ang ibang artista sa kampanya tulad nina Kim Atienza, Amy Perez, Ryan Bang, Vhong Navarro, Karla Estrada, Jolina Magdangal, Melai Cantiveros, Toni Gonzaga, at Luis Manzano. Sa kani-kanilang mga pamamaraan, nakapagbahagi sila ng kaalaman sa kumakalat na sakit.

 

Kabilang sa mga tinalakay ng “Ligtas Pilipinas” ang ang tamang paghugas ng kamay, tamang pag-ubo, social distancing o pagdistansya sa ibang tao, tips sa self-quarantine, tips kung paano mag-alaga ng PUI (Person Under Investigation), ang pinagkaibahan ng PUI sa PUM (Person Under Monitoring), at marami pang iba. Pinaalalahanan din ang publiko na huwag maniwala at magkalat ng fake news tungkol sa COVID-19.

 

Bukod sa videos, naglabas din ang ABS-CBN ng art cards para makuha ang atensyon ng madla. Kabilang dito ang memes ng ilang sikat na eksena sa kilalang Star Cinema movies tulad ng “One More Chance,” “Four Sisters and a Wedding,” at “Alone Together” na kinatuwaan ng netizens dahil may napupulot na aral ang publiko sa nakakaaliw na paraan.

 

Para sa impormasyon at updates sa COVID-19, gamitin ang hashtags na #LigtasPilipinas at #PantawidNgPagibig. Maaari ring i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bumisita sa www.abs-cbn.com/newsroom.