Pinoy fans will be able to relive the triumphant run of the host country, Philippines, which took home 387 medals to top the 2019 SEA Games tournament held on November 30 to December 11, 2019.
Hidilyn, Marck, Alyssa, at Junemar, pagbabagahin ang Pinoy Pride ngayong Mayo
Patuloy pa rin ang ABS-CBN Sports sa pagbibigay inspirasyon sa bawat Pilipino sa kabila ng krisis sa COVID-19, sa pamamagitan ng pagpapalabas muli ng mga hindi malilimutang kaganapan at mga maaaksyong laro mula sa 2019 SEA Games simula Mayo 4 sa ABS-CBN S+A sa TV at online sa sports.abs-cbn.com.
Matutunghayan muli ng Pinoy fans ang matagumpay na pakikipagsapalaran ng mga Pilipinong atleta, matapos humakot ng 387 na medalya upang manguna ang Pilipinas sa 2019 SEA Games na ginanap noong Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11, 2019.
Balikan ang makasaysayang pagpunyagi ng Philippine Men’s Volleyball Team, sa pangunguna nina Marck Espejo at Bryan Bagunas, patungo sa kanilang unang silver medal matapos ang 42 na taon. Mapapanood ang kanilang mga unang laban mula Mayo 4 hanggang 6, at ang kanilang mga laro sa semifinals at finals sa Mayo 11 at 12.
Sa Mayo 13, panoorin muli kung paano pinatunayan ng Olympic silver medalist na si Hidilyn Diaz na siya ang pinakamagaling na weightlifter sa buong Timog-Silangang Asya matapos masungkit ang gintong medalya sa women’s weightlifting sa 55 kg division.
Nagpamalas din ng galing sina Alyssa Valdez, Jia Morado, Eya Laure, at ang buong Philippine Women’s Volleyball National Team kontra sa mga pinakamagagaling na koponan sa rehiyon. Mapapanood sila mula Mayo 18 hanggang 25, kabilang ang kanilang Bronze Medal match kontra Indonesia.
Hindi rin papahuli ang Gilas Pilipinas na muling dinomina ang mga kalaban sa pangunguna ng mga pinakamagagaling na manlalaro sa basketball tulad nina Junemar Fajardo, LA Tenorio, Japeth Aguilar, Kiefer Ravena, at iba pa. Panoorin ang kanilang tapatan sa semifinals laban sa Indonesia sa Mayo 26, at ang pagpanalo ng gintong medalya sa finals kontra Thailand sa Mayo 27.
Abangan ang mga labang ito tuwing Lunes hanggang Miyerkules sa S+A, simula Mayo 4, sa ganap na 11 am pagkatapos ng “The Score” sa S+A at online sa sports.abs-cbn.com/livestream/seag. Para sa iba pang highlights mula sa 2019 SEA Games at ekslusibong interviews sa ating mga atlete, pumunta lang sa ABS-CBN Sports YouTube channel at sports.abs-cbn.com. Sundan din ang @ABSCBNSports sa Facebook, Twitter, at Instagram.
Para sa updates, sundan ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram o bumisita sa www.abs-cbn.com/newsroom.