Jamie Rivera's new video performance of "Hilumin Mo, Bayan Ko" premieres on Labor Day.
May hatid na bagong Tagalog version si Jamie Rivera ng kanyang praise song na “Heal Our Land”—ang awiting “Hilumin Mo, Bayan Ko” para sa mga napanghihinaan ng loob, na ilulunsad kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Manggagawa ngayong Biyernes (May 1).
Nais ng Inspirational Diva na iparating ang mensahe ng ‘power of prayer’ sa mga Pilipino sa bagong bersyon ng awitin, lalo na ngayon panahon ng kaguluhan.
“Nakakahawa at malakas ang Covid-19. At natatakot tayo, kaya’t mahalaga ang dasal para sa proteksyon natin at paggaling ng ating bayan,” pagbabahagi ni Jamie.
Ayon sa premyadong singer-songwriter, mahalaga rin ang pagpapakumbaba para maghilom ang bansa mula sa matinding sakit.
“Habang inaawit natin ang dasal na ‘Hilumin Mo, Bayan Ko,’ sana’y maalala natin na hinihintay lang tayo ng Diyos na maging mapagkumbaba. Dahil mas nakakahawa ang pagiging mapagkumbaba. Ang tanging dasal natin ay kapag tayo ay nagpakumbaba at umamin na kailangan natin Siya, hihilumin ng Diyos ang ating bayan,” aniya.
Naghandog din ang Star Music artist kamakailan ng kanyang awiting “Tanging Yaman” para sa ”Metro Safe & Sound: The Unplugged Music Video Series.” Sinusuportahan ng proyekto ang programang Pantawid ng Pag-ibig ng ABS-CBN, na naglalayong maghatid ng tulong sa mga pamilyang apektado ng community quarantine.
Abangan ang bagong performance video ni Jamie ng awiting “Hilumin Mo, Bayan Ko,” mapapanood na simula ngayong Biyernes (May 1) sa
Star Music’s YouTube channel. Para sa karagdagang impormasyon, i-like ang Star Music sa Facebook sa
www.facebook.com/starmusicph, at sundan ito sa Twitter at Instagram @StarMusicPH.