Libo-libong frontliner at volunteer, dinalhan din ng pagkain
Sa tiwala at suporta ng mga Pilipino sa buong mundo, umabot na sa P350 milyon ang nalikom ng “Pantawid ng Pag-ibig” ng ABS-CBN at ABS-CBN Foundation Inc. (AFI) para sa benepisyo ng mahigit 600,000 pamilyang lubos na naapektuhan ng enhanced community quarantine (ECQ).
Noong Abril 27, umabot na sa P329 milyon ang natanggap na cash donation na gagamitin para bumili ng mga produktong ihahatid sa mga lokal na pamahalaan upang kanilang ipamahagi sa mga nangangailangan sa kanilang lugar. Mula dito, nakabili na ang “Pantawid ng Pag-ibig” ng mga produktong nagkakahalaga ng P272 milyon na nadagdagan pa ng mga donasyong produktong may halagang P56.8 milyon. Aabot na sa P293 milyong halaga ng produkto ang naihatid na ng “Pantawid ng Pag-ibig” sa mga LGU at patuloy itong umiikot sa mga bayan at probinsya para magdala ng ayuda gamit ang natitira pang donasyon.
Inilunsad ilang araw matapos isinailalim sa ECQ ang Luzon, layunin ng “Pantawid ng Pag-ibig” na matugunan agad ang pangangailangan sa pagkain ng mga pamilyang nawalan ng hanapbuhay dahil kailangang manatili sa bahay upang mahinto ang pagkalat ng COVID-19.
Nakarating na ito sa Caloocan, Las Pinas, Malabon, Makati, Mandaluyong, Manila, Marikina, Muntinlupa, Navotas, Paranaque, Pasay, Pasig, Pateros, Quezon City, San Juan, Taguig, at Valenzuela hatid ang mga produkto tulad ng bigas, delata, biskwit, gatas, kape, shampoo, sabon, detergent, at bitamina para sa mga pamilyang walang hindi makapagtrabaho at makabili ng makakain dahil sa ECQ.
Umabot na rin ang “Pantawid ng Pag-ibig” sa Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal. Sa pagtatapos ng unang bahagi ng “Pantawid ng Pag-ibig,” tinatayang mahigit sa 600,000 na pamilya ang maabot ng mga produktong ipinagkatiwala ng ABS-CBN sa mga lokal na pamahalaan. Pinaghahandaan naman ng ABS-CBN Foundation, ABS-CBN, at mga katuwang na organisasyon ang ikalawang bahagi ng kampanya.
Bukod sa mga pamilyang nangangailangan ng ayuda, naitawid rin ng ABS-CBN ang pagmamahal sa mga nagta-trabaho sa ospital, checkpoint, at mga volunteer na walang pagod maglingkod sa kapwa sa kabila ng banta sa kanilang kaligtasan. Nakapaghatid rin sa frontliners at volunteers ang ABS-CBN ng mahigit 75,000 na packed meal sa tulong ng Pampanga’s Best, The Bistro Group, the Philippine Egg Board Association, Jollibee, Greenwich, Chowking, Kenny Rogers Roasters, at Unilever Food Solutions, at mahigit sa 46,000 na tinapay mula sa mga donor kabilang ang Aboitiz at Starbucks. Naghandog din ang Conti’s, Gardenia, at Mcdonald’s ng mga pagkain sa pamamagitan ng “Pantawid ng Pag-ibig.”
Ang “Pantawid ng Pag-ibig” ay naisakatuparan sa tulong ng supply partners tulad ng Century Pacific Food, Inc., Rebisco, Suy Sing Corporation, Lucio Tan Group, Inc., McDonald’s, Safeguard, Quick Chow Noodles, Great Taste 3 in 1, Sunsilk Shampoo, Mega Sardines, Generika Drugstore, Champion Detergent, Unilab, Ritemed, Hana Shampoo, Coca-Cola, Colgate Palmolive, Kopiko, Ligo Sardines, CDO Foodsphere, IPI, Lucky Me. Katulong naman sa paghatid ng mga produkto ang Armed Forces of the Philippines, Air21, Entrego, Air Power, Grab Bayanihan, at Mober habang nagsilbing payment partner naman ang Lazada.
Bahagi rin ng kampanya ang sumusunod na donors: Accredited Service Providers Association of Pagcor (ASPAP), Intermed Marketing Phils, Inc., Motortrade Life and Livelihood Assistance Foundation Inc., Pampanga's Best, RFM Fiesta Pasta, Wilcon Depot, Aboitiz Group, Benby Enterprises Inc., Bistro Group, Champion Detergent Bars, Coca-Cola, Green Cross, Greenwich Binondo Branch, Hanabishi, Jollibee Binondo Branch, Chowking Binondo Branch, Kenny Rogers Roasters, Lemon Square, Master Sardines, Nature’s Spring, NutriAsia, Philippine Egg Board Association, Poten-Cee, Silka Soap, Starbucks Philippines, Sun Life Foundation, at Tolak Angin.
Gayundin ang Century Pacific Foundation, JP Morgan, Suy Sing Commercial Corporation, Ajinomoto, Beautederm Corporation, Cebuana Lhuillier Foundation Inc., Deli Mondo Food Specialties Inc. / JAKA Group, GCash, Lazada, P&A Grant Thornton Foundation Inc., PICPA Metro Manila, Rotary Club of Makati, SC Johnson, SEAOIL, at TIM IT Company.
Nagpapasalamat din ang “Pantawid ng Pag-ibig” sa Project Ugnayan, isang pagtutulungan ng 20 malalaking negosyo sa bansa, at Lopez Group of Companies na parehong naglaan ng P100 milyong donasyon sa proyekto.
Nakibahagi rin ang buong pwersa ng ABS-CBN sa pagkalap ng donasyon. Noong Marso, nagsagawa pa ang Kapamilya network ng isang virtual concert tampok ang mahigit 100 Kapamilya stars.
Tuloy ang ABS-CBN Foundation sa pagtanggap ng mga donasyon sa layunin nitong mas marami pa ang matulungan. Ipadala ito sa ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation Inc.-Sagip Kapamilya bank accounts: BPI peso account 3051-11-55-88, Metrobank peso account 636-3-636-08808-1, PNB peso account 1263-7000-4128, BDO peso account 0039301-14199, at BDO dollar account 1039300-81622. Pwede rin sa pammagitan ng Cebuana Lhuillier, PayPal, Pass it Forward, and GCash.