News Releases

English | Tagalog

Pahayag ng ABS-CBN

May 10, 2020 AT 05 : 09 PM

Maraming salamat, Kapamilya.

Nagpapasalamat ang ABS-CBN sa pagbuhos ng suporta na aming natanggap mula sa aming mga Kapamilya.
 
Naniniwala kaming aaksyunan ng Kongreso ang naka-pending na franchise renewal application sa lalong madaling panahon. Nagpapasalamat din kami sa mga pamunuan ng Kongreso at Senado sa pagsisikap nilang magpatuloy ang operasyon ng network habang dinidinig ang mga panukalang batas para sa aming prangkisa. Sa panahon ng pandemic, higit na kailangan ang aming serbisyo.
 
Nakakalungkot na sa kabila ng Senate Resolution No. 40, liham ng committee on legislative franchises ng House of Representatives, at ang pabor na legal opinion ng Department of Justice, naglabas pa rin ng cease and desist order ang National Telecommunications Commission (NTC) na agarang ipinahinto ang broadcast operations ng ABS-CBN.
 
Sa kabila ng matinding pinagdadaanan ng network, nakakahugot kami ng lakas at inspirasyon mula sa kabutihan, suporta, at pagmamahal na ipinapakita sa amin ng publiko.  Maraming salamat po sa pagpapadama sa aming mahalaga kami sa inyo. Bilang pagtugon, lalo pa naming patitibayin ang pangako na patuloy kaming maglilingkod sa inyo. Maraming salamat po, mga Kapamilya!