News Releases

English | Tagalog

Pahayag sa Filipino citizenship ni Gabby Lopez

May 11, 2020 AT 12 : 46 PM

Mr. Gabby Lopez is a Filipino citizen.

Si Gabby Lopez ay isang Filipino citizen.

Ang mga magulang niya ay Filipino nang siya ay ipinanganak, at sa ilalim ng 1935 Constitution na epektibo noong ipinanganak siya, awtomatiko ay isa siyang Filipino.

Hindi na niya kailangan pang kumuha ng Filipino citizenship dahil hindi naman ito nawala at hindi niya rin tinalikuran ang kanyang Filipino citizenship.

Ipinanganak siya sa US at sa ilalim ng US Constitution, isa rin siyang US citizen.

Hindi lang pasaporte ang nag-iisang basehan ng citizenship. Noong lumapit si Ginoong Lopez sa Bureau of Immigration, ito ay para lamang opisyal nilang kilalanin ang kanyang pagiging Filipino.

Parehong kinilala ng Department of Justice at Bureau of Immigration ang Philippine citizenship mula kapanganakan ni Ginoong Lopez ayon sa nakasaad sa Identification Certificate No. 0069 na may petsang 1 October 2002.