iWant offers an immersive exploration of Matteo Guidicelli’s Scout Ranger training in the Philippine Army.
Ibabahagi ni Matteo Guidicelli ang matinding pagsasanay niya para maging isang Scout Ranger sa Philippine Army sa iWant original documentary na “Ranger G,” kung saan matutunghayan din ang hirap na pinagdadaanan ng mga sundalo para magsilbi sa bansa.
Mapapanood na sa iWant ngayong Sabado (Mayo 23) ang “Ranger G.” Dito, masasaksihan ng viewers ang isang buwang training ni Matteo sa Camp Pablo Tecson sa Bulacan na sumubok sa tibay ng loob, isip, at katawan niya.
Si Matteo ang unang celebrity na kumuha ng Scout Ranger orientation course, ang isa sa pinakamahirap na military trainings sa mundo na may kasamang anti-guerilla jungle warfare, mga raid, close quarters combat, at urban warfare. Para makumpleto ito, kinailangan ni Matteo na dumaan sa matinding pagpapalakas ng katawan, military hazing, at torture simulation.
Mahirap man ang naging training, matiyagang nilagpasan ni Matteo ito para matupad ang pangarap ng kanyang ama para sa kanya – ang pagiging sundalo.
Bukod sa karanasan ni Matteo, bibigyang diin din sa “Ranger G” ang pagsasakripisyo ng mga sundalo para sa isa’t isa at para sa bansa sa kabila ng panganib na dala ng kanilang trabaho.
Idinirek ni Ver Jacinto at sinulat ni Jayson Bernard Santos ang “Ranger G,” isang iWant exclusive documentary mula sa Viva Films.
Panoorin ang “Ranger G” simula Sabado (Mayo 23) sa iWant app (iOS at Android) o sa iwant.ph. Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWant, at sundan nag @iwant sa Twitter at @iwantofficial sa Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantPH.