Makakasama ng mga miyembro ng MNL48 na sina Coleen Trinidad, Sheki Arzaga, at Abby Trinidad ang iba pang Asian stars dahil bahagi sila ng “One Love Asia,” isang international benefit concert para sa UNICEF ngayong Miyerkules (Mayo 27).
“Sobrang saya po namin nung malaman naming magpe-perform po kami sa ‘One Love Asia.’ Isa pong privilege na makasama po ang sikat na Asian artists at i-represent ang bansa,” sabi ni Abby.
Labis naman ang paghahanda nila para sa concert at ibinahaging makakasama rin nila ang iba pang grupo mula sa ibang bansa na kabilang sa AKB48 group.
“Naghahanda po kami physically and mentally. Sisiguraduhin po naming magbibigay kami ng masaya, bago, at nakaka-inspire na performance. Hindi na po kami makapaghintay na magbigay ng positive vibes at ngiti sa mga manonood,” sabi naman ni Sheki.
Masaya rin daw silang maibahagi ang kanilang talento para makalikom ng pondo para sa mga bansang apektado ng COVID-19.
“Blessed po ang pakiramdam namin na gamitin ang talento namin para sa isang magandang hangarin ngayong may pandemic. Nakakatuwa po na matulungan ang mga apektado ng heath crisis, lalo na ang mga bata,” pagbabahagi naman ni Coleen.
Ang “One Love Asia” ay handog ng YouTube at WebTVAsia. Mapapanood ito sa youtube.com/c/oneloveasia at onelove.asia.
Samantala, maaring pa ring bumoto ang fans sa gusto nilang maging bahagi ng MNL48 third generation sa MNL48 Third General Election. Para makaboto, pumunta lamang sa
https://mnl48.hallohallo.com/ hanggang June 27 ng 9PM.
Para sa updates sa MNL48, pumunta lamang sa official Facebook (
https://www.facebook.com/mnl48official/), Twitter (@mnl48official), Instagram (@mnl48official), at YouTube account ng grupo.