News Releases

English | Tagalog

TeleRadyo, muling mapapanood

May 07, 2020 AT 11 : 29 PM

We may be facing a huge challenge but the anchors, reporters, officials, and staff of TeleRadyo remain committed to our mission to be in the service of the Filipino, especially now in the time of a pandemic.

Muling makakasama ng mga Pilipino ang himpilang minamahal at pinagkakatiwalaan nila para sa balita at public service.

Simula bukas (Mayo 8) ng 5 am, mapapanood na muli ang TeleRadyo sa cable at digital terrestrial TV sa iba-ibang parte ng bansa, at sa ibayong dagat sa pamamagitan ng The Filipino Channel (TFC).

Maaari rin itong tutukan online sa iWant, dzmm.com.ph, DZMM TeleRadyo Facebook, at ABS-CBN News YouTube channel, o gamit ang ABS-CBN News App at ABS-CBN Radio Service App.

Humaharap man sa pagsubok, hindi matitinag ang katapatan ng bawat anchor, reporter, opisyal, at staff ng TeleRadyo sa misyon nitong paglingkuran ang sambayanang Pilipino, lalo na ngayon sa panahon ng pandemya.

Tuloy ang ating pagbabalita at paglilingkod. Tuloy ang ating pagiging una sa balita, at una sa public service.

Tutukan ang buong pwersang pagbabalita ng ABS-CBN News sa ANC, the ABS-CBN News Channel sa cable, at TeleRadyo sa cable at ABS-CBN TVplus, sa TFC, sa online sa iWant at iba-ibang social media accounts ng ABS-CBN News, ABS-CBN News YouTube channel, news.abs-cbn.com, patrol.ph, at ABS-CBN News App.