The show aims to raise funds for ABS-CBN’s “Pantawid ng Pag-ibig” campaign, which aids Filipinos whose livelihood were greatly affected by the enhanced community quarantine.
Ang pagbabalik ng “Ang Huling El Bimbo,” ang sikat at pinag-usapang rock concert musical ay patuloy na mapanood ng mas marami dahil streaming pa rin ito nang libre sa ABS-CBN Facebook at YouTube hanggang Sabado (Mayo 9).
Katuwang ng ABS-CBN ang Resorts World Manila at Full House Theater Manila sa paghahatid ng palabas para makalikom ng donasyon para sa “Pantawid ng Pag-ibig” na kampanya ng ABS-CBN na tumutulong sa mga Pilipinong higit na naapektuhan ng enhanced community quarantine.
Unang napanood sa entablado noong 2018, umabot sa higit 100 na pagtatanghal ang naihandog ng “Ang Huling El Bimbo, The Musical” sa Resorts World Manila. Tungkol ito sa apat na magkakaibigang sama-samang hinaharap ang pagsubok ng buhay na sumasalamin sa napapanahong suliranin ng mga Pilipino.
Ilan sa mga awiting mapapakinggang muli ay ang “Minsan (“Once”), “With a Smile,” Ligaya (“Joy”), at “Ang Huling El Bimbo.”
Para sa updates, i-follow lamang ang ABS-CBN PR sa Facebook (fb.com/abscbnpr), Twitter (@absbncpr), at Instagram (@abscbnpr).