ABS-CBN Sports will continue to champion sports and showcase the journey to greatness of Filipino athletes on its digital platforms and cable sports channel LIGA.
Patuloy ang serbisyo ng ABS-CBN Sports sa kanilang paghahatid ng mga laro at kwento ng atletang Pilipino sa online at sa cable sports channel na LIGA.
Simula ngayong araw (Mayo 8), mapapanood ang mga programa ng S+A sa LIGA, na napapanood sa buong bansa pati na rin sa Facebook, Twitter, Instagram, at YouTube channel ng ABS-CBN Sports at sa streaming service na iWant.
Bago pa man napilitang mawala sa ere ang ABS-CBN dahil sa cease and desist order ng National Telecommunications Commission noong 5 Mayo 2020, napapanood na ang mga programa ng ABS-CBN Sports online dahil sa pag-transition ng ABS-CBN bilang isang digital company.
Pero para sa mga gusto pa ring manood sa telebisyon, maaaring tumutok sa LIGA para sa aksyon na sisipa na ngayong araw sa pagpapalabas ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League - Philippines (MPL-PH) Season 5 simula 6:30 pm tampo ang mga esports team tulad ng ONIC PH, Blacklist International, Bren Esports, STI Olympians, BSB, Geek Fam PH, Execration, at ULVL.
Kabilang sa mga mapapanood ng sports fans ay ang mga programa ng “The Score” tulad ng bagong show ng anchor na si Mico Halili na “Homework,” kung saan nagtatagisan ng kaalaman ang mga sikat na sports stars tungkol sa sports, pop culture, at current events. Patuloy ring naghahatid ng bagong episodes ang “Extra Rice: Eat At Home Edition” kasama ang PBA player na si Beau Belga, at “Kalye Confessions: Stay At Home Edition” kasama si Cherry Nunag ng PVL.
Bukod sa mga ito, mas makikilala ang iba’t ibang atleta tulad nina Jolina de la Cruz, Bordy Bordeos, at Ricci Rivero sa “Upfront.” Huwag din palampasin ang replay ng mga pinakamagandang laro ng UAAP, NCAA, at MPBL. Para naman sa mga gustong mag-exercise, samahan araw-araw sina coach Jim at Toni Saret at Mickey Perz sa kanilang workout show na “Team FitFil” ng 5:30 am. Araw-araw din mapapanood sa LIGA ang Kapamilya Daily Mass ng 8:30 am.
Panoorin ang LIGA Channel 86 at LIGA HD Channel 183 para sa SkyCable at Destiny. Para naman sa livestreaming ng MPL-PH, pumunta sa sports.abs-cbn.com, TFC.tvSports, at sa Facebook at YouTube accounts ng ABS-CBN Sports. Sundan ang @ABSCBNSports sa Twitter, Facebook, Instagram, at YouTube para sa balitang sports at mga bagong episode ng paborito niyong programa. Para sa updates, sundan ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.