News Releases

English | Tagalog

Mga kwento ng pag-ibig at inspirasyon, handog ng Kapamilya stars sa "Star Magic: Love From Home"

June 22, 2020 AT 10 : 21 AM

Iba’t-ibang kwento ng pag-ibig ang hatid ng Star Magic artists sa “Star Magic: Love From Home,” kung saan sama-sama ang mga bituin sa paghandog ng mensahe ng inspirasyon na daan upang mas makilala at mapalapit sila sa kanilang fans kahit mula lamang sa kanilang mga tahanan.

Bahagi ng “Star Magic: Love From Home” ang “Lockdown Portraits,” isang koleksyon ng mga litrato ng Star Magic artists na kuha sa panahon ng quarantine. Ipapakita dito ang iba’t ibang uri ng pagmamahal—pagmamahal sa sarili, pagmamahal sa sining, pagmamahal sa pamilya, at pagmamahal sa kapwa. Para makita ang koleksyon ng “Lockdown Portraits,” bisitahin lamang ang starmagic.abs-cbn.com.

Tatlong koleksyon ng mga litrato ang aabangan ng mga fans. Kanilang makikita ang unang koleksyon sa Hunyo 24 habang ang ikalawa naman ay makikita sa Hunyo 28. Ang ilkatlo at espesyal naman na koleksyon ay ilalabas sa Hulyo 5 at tampok dito ang mga Star Magic loveteams.

Mas lalo pang magiging personal ang samahan ng fans at ng kanilang mga iniidolo saiba’t-ibang fan sessions na gaganapin kada linggo sa telebisyon at online na magbibigay pagkakataon sa mga tagahanga na makausap at makipagkulitan sa kanilang paboritong bituin. Kasama dito ang “Jeepney TV Love Team Bahay” (Hulyo 4, 8 PM) “Cinema One GCQ: Games with Celebrities on Quarantine,” (Hulyo 18, 5 PM), at “Hotspot: The Love from Home with DJ Jhai Ho” (Hulyo 25, 8 PM) na mapapanood sa Facebook.  

Magkakaroon din ng one-hour TV special sa Metro Channel na magbibigay ng eksklusibong pasilip sa buhay ng Kapamilya artists sa panahon ng quarantine.

Layunin din ng “Star Magic: Love From Home” na makalikom ng halaga para sa “Pantawid ng Pag-ibig” (“Isang Daan. Isang Pamilya.”). Hinihikayat nito ang mga Pilipino na mag-donate ng kahit P100 para tulungang maibsan ang gutom ng isang pamilya sa panahon ng quarantine. Hangarin ng kampanyang pinangungunahan ng ABS-CBN Foundation, na nasa sa ikalawang yugto na, na makuha ang suporta ng 10 milyong Pilipino para tulungan ang 300,000 pang mga pamilya, na dagdag sa 750,000 pamilyang natulungan na simula noong Marso. 

Nitong May 31, umabot na sa halagang P400 milyon ang donasyon na ang nalikom ng “Pantawid ng Pag-ibig.” Ipinambili ang halalagang ito ng pagkain at basic necessities para sa mga pamilyang apektado ng quarantine sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal.

Abangan ang iba pang detakye sa Star Magic Philippines sa Facebook (fb.com/starmagicphils), Twitter (@starmagicphils), at Instagram (@starmagicphils).

Para sa updates, i-follow ang ABS-CBN PR sa Facebook (fb.com/abscbnpr), Twitter (@abscbnpr), at Instagram (@abscbnpr).