As Filipino families continue to struggle with the loss of jobs across different industries, ABS-CBN Foundation (AFI) now moves to the second phase of the “Pantawid ng Pag-ibig” campaign with the aim of reaching a million families by the end of August 2020. With the support of its sponsors and partners, the campaign has raised over P400 million as of May 31 and fed over 750,000 Filipino families.
Sa patuloy na pagharap ng mga Pilipino sa pagsubok tulad ng pagkawala ng trabaho ngayong panahon ng COVID-19, binuksan ng ABS-CBN Foundation (AFI) ang
phase two ng “Pantawid ng Pag-ibig” campaign. Ito ay naglalayon na makapagbigay ng tulong sa isang milyong pamilya sa katapusan ng Agosto 2020.
Dahil sa suporta ng partners at sponsors, nakalikom ang “Pantawid ng Pag-ibig” ng mahigit P400 milyon cash donations at pledges simula noong ito’y inilunsad hanggang ika-31 ng Mayo. Sa ngayon, nakapagbigay-tulong na ito sa mahigit 750,000 pamilya sa National Capital Region (NCR) pati na rin sa mga karatig-lalalawigan gaya ng Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal.
Ang mga perang nalikom ay ginamit upang maipambili ng pagkain at mga pangunahing pangangailangan tulad ng bigas, de lata,
noodles, biskwit, gatas, kape,
shampoo, sabon, at
vitamins.
Namahagi rin ang “Pantawid ng Pag-ibig” ng bagong-luto at mainit na pagkain para sa mga apektadong pamilya at sa mga
frontliner, at namigay rin ng
Personal Protective Equipment (PPE) at
hygiene kits sa mahigit 80 na ospital at mga
frontliner organization sa NCR at iba pang mga probinsya.
Nagpahayag ng pasasalamat ang managing director ng AFI na si Susan Afan: “Dahil sa ABS-CBN at sa mga katuwang na mga organisasyong nakikipagtulungan sa amin, nagtagumpay tayong maitawid at maabot ang libu-libong pamilyang nangangailangan.”
Layunin ng
second phase ng “Pantawid ng Pag-ibig” campaign na hikayatin ang mga tao na magbahagi ng P100 or 2 USD upang makapagbigay ng pagkain sa isang pamilya. Ang pag-aanyayang tumulong ay nakatutok sa mga ordinaryong mamamayang may kakayahang magbigay at tumulong sa kapwa. Inaasahan ng kampanyang makakatulong ang 10 milyong Pilipino sa paglaban sa kagutuman.
Upang ito ay maisakatuparan, balak ng AFI na makipagtulungan sa mga institusyong makapagbibigay ng mas madaling pamamaraan upang makapag-
donate ang marami gamit ang kanilang mga
mobile gadgets tulad ng mga naunang partner ng kampanya, GCash, Lazada, at HSBC. Layunin rin nitong makipag-ugnayan sa mga artista, mga komunidad, iba’t-ibang organisasyon, at mga pribadong kumpanya na hikayatin ang kanilang mga empleyado, mga miyembro, at iba pang indibidwal na suportahan ang adhikaing ito.
Giit ni Afan, “Hindi lang ang COVID-19 ang kalaban. Tayo rin ay nakikipaglaban sa pagkagutom at pagkawala ng trabaho, mga kapwa Pilipinong nawalan ng kakayahan na magbigay ng pagkain sa pamilya.”
Ayon sa isang
survey na ginawa ng Social Weather Stations (SWS) noong Mayo, nasa halos 4.2 milyong pamilyang Pilipino (16.7%) ang nakararanas ng kagutuman sa loob ng tatlong buwan dahil sa kakulangan sa pagkain.
“Sa halagang 100 piso, makakatulong ka na upang mabigyan ng pagkain ang isang pamilya. Kung mahihikayat natin ang iba pa nating mga kaibigan, maraming pamilya ang maisasalba natin sa kagutuman,” pagbabahagi ni Paul Mercado, marketing department head ng ABS-CBN Foundation.
Ang “Pantawid ng Pag-ibig” ay nagsimula noong Marso buhat noong ipinatupad ng gobyerno ang Enhanced Community Quarantine para mapigilan ang pagkalat ng C0VID-19. Ang Lopez Group of Companies, kung saan kabilang rin ang ABS-CBN, ay nagbigay ng P100 milyon upang simulan ang kampanya. Inilunsad ito upang matulungan ang mga lokal na pamahalaan sa pagbibigay ng ayuda sa panahon ng krisis pangkalusugan. Katuwang rin ang mga miyembro ng Samahan ng Nagkakaisang Pamilya ng Pantawid (SNPP) sa pamamahagi ng tulong.
Ang ABS-CBN Foundation ay tumatanggap ng donasyon sa pamamagitan ng bank deposits sa ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation, Inc - Sagip Kapamilya bank accounts: BPI Peso Account 3051-11-55-88, Metrobank Peso Account 636-3-636-08808-1, Security Bank Peso Account 000003312430-0, BDO Peso Account 0039301-14199, at BDO Dollar Account 1039300-81622. Maaari ring magbigay ng donasyon sa ABS-CBN Foundation website, Cebuana Lhuillier, PayPal, Pass it Forward, GCash, Lazada, at HSBC.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang
www.pantawidngpagibig.com