News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN, nagbayad sa gobyerno ng P71.5B na buwis sa loob ng 17 taon

July 01, 2020 AT 08 : 48 PM

“From 2003 to 2019, ABS-CBN as a group paid P71.5 billion in taxes,” Tan said in the tenth hearing for ABS-CBN’s franchise application at the House of Representatives today (July 1).

 Aabot sa P71.5 bilyon ang buwis na binayaran ng ABS-CBN Corporation at mga subsidiary nito sa gobyerno sa loob ng 17 taon ayon kay ABS-CBN Group chief financial officer (CFO) Ricardo Tan.
 
“From 2003 to 2019, ABS-CBN as a group paid P71.5 billion in taxes,” sabi ni Tan sa ika-sampung pagdinig sa prangkisa ng network sa House of Representatives ngayong araw (Hulyo 1).
 
Dahil sa pahayag ni Tan, ipinaalala ni Rep. Carlos Zarate ang malaking epekto sa ekonomiya sakaling tuluyang magsara ang ABS-CBN. 
 
“Sa panahon ngayon na grabe po ang krisis na dinadaanan natin, na pinalala pa ng pandemya ng COVID, ito yung bilyon na pwede mawala rin in the next 10 or 25 years, na supposedly na papasok sa ating pambansang ekonomya,” ani Zarate.
 
Dagdag pa niya, ang nakaambang pagtatanggal sa ABS-CBN ngayong Agosto ay hindi lamang kawalan ng trabaho kundi kawalan din ng income tax na mapupunta sana sa gobyerno.
 
Samantala, sinegundahan ni BIR assistant commissioner Manuel Mapoy ang dating pahayag ni BIR Large Tax Payers Audit Division 3 head Simplicio Cabantac Jr. na regular na nagbabayad ang ABS-CBN ng corporate taxes nito sa mga nagdaang taon. Sa katunayan, nagbayad ang ABS-CBN ng P15,382,423,364.16 mula 2016 hanggang 2019.
 
Nang tanungin naman tungkol sa mga violation o isyu sa pagbabayad ng ABS-CBN ng buwis, sabi ni Mapoy na sa ngayon ay walang “outstanding delinquent account” ang kumpanya.
 
Dagdag niya, ang ranggo ng ABS-CBN sa mga pinakamalaking binabayad na buwis sa bansa ay 65th nung 2016, 275th noong 2017, at 339th noong 2018.
 
-30-