ABS-CBN asserted that it pays its proper taxes and is compliant with taxation laws as it faced lawmakers again yesterday (June 30) at the House of Representatives.
Nanindigan ang ABS-CBN na nagbabayad ito ng tamang buwis at sumusunod sa mga batas sa pagbubuwis sa muli nitong pagharap sa mga mambabatas kahapon (Hunyo 30) sa House of Representatives.
“ABS-CBN has paid its proper taxes every year contrary to the allegations, there has not been a single year where ABS-CBN has paid zero taxes,” giit ni ABS-CBN Group chief financial officer (CFO) Ricardo Tan sa ika-siyam na pagdinig sa prangkisa.
Sabi ni Tan, P5.2 billion ang kabuung buwis na binayaran ng buong grupo ng ABS-CBN noong 2018, kung saan P465 milyon dito ay income tax.
“In fact, the BIR issued a tax clearance to ABS-CBN for the year 2018,” pahayag pa niya.
Ayon din sa Group CFO ng ABS-CBN, walang nilabag ang kumpanya sa prangkisa nito sa pagkuha ng tax incentives sa gobyerno ng subsidiary nitong Big Dipper Digital Content and Design Inc. Ang Big Dipper ang nag-aayos at naghahanda ng format ng mga palabas ng ABS-CBN para sa pagpapalabas nito sa ibang bansa.
Pinatunayan ni Philippine Economic Zone Authority (PEZA) director general Charito Plaza na rehistrado sa kanila ang Big Dipper bilang isang “IT Enterprise” at kwalipikadong tumanggap ng tax incentive. Nagbabayad rin daw ng tamang buwis ang Big Dipper.
“Big Dipper, which is 99% owned by ABS-CBN, is compliant with PEZA’s requirements as to the payment of their taxes represented by the 5% GIE (gross income earned) 3% goes to the BIR, and the record of BIR will attest to this, and 2% goes to the local treasurer of the eco-zone host LGU,” paliwanag niya.
Nilinaw rin ni Tan na naaayon sa batas ang mga compromise agreement ng ABS-CBN at Bureau of Internal Revenue (BIR). Aniya, maski sinong nagbabayad ng buwis ay maaaring gawin ito. Nakapagbayad na rin daw ang ABS-CBN base sa mga kasunduang ito, na aprubado ng BIR at Court of Tax Appeals.
Itinanggi rin ni Tan na ginagamit ng network ang ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation bilang tax shield at na hindi ito nag-file at nagbayad ng donor’s tax.
“This allegation is false. The ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation has always been transparent in its efforts to uplift and improve the lives of Filipinos. It is accredited by the Philippine Council for NGOs certification and its tax exemption has been confirmed by the BIR. The donations it receives are not subject to donors’ tax,” sabi niya.
Una nang sinabi ng pinuno ng Large Tax Payers Audit Division 3 ng BIR na si Simplicio Cabantac Jr. sa pagdinig sa Senado noong Pebrero 24 na regular na nagfa-file at nagbabayad ang ABS-CBN ng buwis sa mga nagdaang taon.
Kagabi, sa permiso ni ABS-CBN president and chief executive officer Carlo Katigbak, ibinunyag din ni BIR assistant commissioner Manuel Mapoy na P15,382,423,364.16 ang kabuuang buwis na binyaran ng ABS-CBN mula 2016 hanggang 2019.
Magpapatuloy ngayong araw ang diskusyon sa mga isyu kaugnay ng pagbabayad ng buwis ng ABS-CBN sa pagdinig na nakatakdang magsimula ng 1 pm.