“Star Hunt: The Global Showdown" was streamed on Kumu and hosted by Maymay Entrata and Edward Barber
Kilala ng prestihiyosong Asia-Pacific Stevie Awards ang paghahanap ng talento at pagtupad ng pangarap ng ABS-CBN matapos nitong magwagi ng dalawang parangal para sa “Star Hunt: The Global Showdown,” ang pinakaunang online singing competition show ng ABS-CBN.
Ang taunang Asia-Pacific Stevie Awards ang nag-iisang awards program na kumikilala sa pambihirang achievements ng iba’t ibang negosyo sa 29 bansa sa buong Asia-Pacific region. Kikilalanin ang mga nagwagi ngayong taon sa isang online awards ceremony sa Setyembre 22.
Nagwagi ng Gold Award for Innovation in Social Apps at Silver for Award for Innovation in Entertainment Apps ang “Star Hunt: The Global Showdown” na ipinalabas sa Kumu, ang pinakamalaking social livestreaming app sa mundo na pagmamay-ari ng Pinoy.
Ito ang pinakaunang online show na binigyan ng pagkakataon ang mga Pilipino saan mang panig ng mundo na magwagi ng cash prize at recording contract sa pamamagitan ng pagpapalabas ng kanilang singing performances sa kanilang mobile phones sa pamamagitan ng Kumu app.
Nagsilbing hosts ng “Star Hunt” sina Maymay Entrata at Edward Barber at nakatanggap ng 700 na entry mula sa iba’t ibang bansa kabilang na ang Australia, Italy, at USA. Inilunsad ito ng ABS-CBN Global sa ilalim ng “Star Hunt” sa paghahanap nito ng mga pambihirang talento matapos ang pinakamalaking on-ground audition event nito noong 2018 na sinalihan ng libo-libong Pilipinong nangangarap.
Higit sa 1,000 nominasyon naman ang natanggap ng Asia-Pacific Stevie Awards para sa iba’t ibang kategorya. Ang Gold, Silver, at Bronze Stevie Award winners ay kinilatis at pinili ng 100 executives mula sa buong mundo na nagsilbing hurado noong Mayo at Hunyo.
Ang Stevie Awards ang nangungunang premier business awards sa buong mundo na kinikilala ang for 18 taong nang nagbibigay-parangal sa mga natatanging proyekto at kumpanya mula sa iba’t ibang bansa.