News Releases

English | Tagalog

Stars at netizens, dinaan sa sayaw at emoji ang pagiging “Forever Kapamilya”

July 04, 2020 AT 03 : 43 PM

Kapamilya stars and netizens continue to show their love and support for ABS-CBN online through the Forever Kapamilya Dance challenge and by making #ForeverKapamilya and #KapamilyaChannel trend on Twitter while using the Kapamilya Channel custom emoji last July 2.

#ForeverKapamilya at #KapamilyaChannel, nag-trending sa Twitter

Patuloy na pinapakita ng Kapamilya stars at netizens ang kanilang pagmamahal at suporta sa ABS-CBN sa pamamagitan ng Forever Kapamilya Dance challenge at sa paggamit ng espesyal na Kapamilya RGB Hearts Twitter emoji na nagpa-trending sa #ForeverKapamilya at #KapamilyaChannel noong Hulyo 2. 

Ilan sa mga nagbida ng pagkakaisa at pagmamahalan ng pamilya sina Darren Espanto, Kyle Echarri, Francine Diaz, at Vivoree Esclito na kani-kaniyang nag-post sa TikTok ng kanilang pagsayaw sa awiting tampok sa Kapamilya Channel station ID.

Naki-”Forever Kapamilya Dance” rin ang mga StarHunt artists na sina Yamyam Gucong, Fumiya Sankai, Kaori Oinuma, Karina Bautista, Aljon Mendoza, Lou Yanong, Andre Brouillette, Angelie Reposposa, at Kiara Takahashi. Pinili naman na kantahin ng RISE singer na si Markus Paterson ang “Forever Kapamilya.”

Hindi rin nagpatalo ang mga netizen na gumawa ng kanilang sariling beryson ng sayaw. Sinimulan ang dance challenge nina Jhong Hilario, Vice Ganda, at Vhong Navarro noong Hunyo 20 sa “It’s Showtime” para ipakita na kahit anong mangyari, laging mananaig ang samahan ng isang pamilya.

Samantala, nagtrending sa Twitter ang #ForeverKapamilya at #KapamilyaChannel kahapon (Hulyo 2) kasabay ng paglunsad ng Kapamilya RGB (Red, Green, Blue) Hearts Twitter emoji. Nakipagtulungan ang Kapamilya Channel sa Twitter upang awtomatikong lalabas ang RGB Hearts emoji kapag ginamit ang mga hashtag na #ForeverKapamilya, #KapamilyaForever, at #KapamilyaChannel sa isang tweet. Ang mga kulay na ito ay hango sa mga kulay ng ABS-CBN logo na sumisimbolo sa Kapamilya Love.

Maaari pa rin na ipakita ang suporta sa ABS-CBN sa pamamagitan ng pagpost ng Forever Kapamilya Dance videos sa social media gamit ang hashtag na #ForeverKapamilyaDance. Maipapahayag din ang inyong pagkaisa sa ating mga Kapamilya gamit ang mga hashtag na #ForeverKapamilya, #KapamilyaForever, at #KapamilyaChannel, at sa pagsuot ng inyong RGB Hearts shirts mula sa ABS-CBN Store, o sa pagdownload ng Kapamilya Viber stickers.

Mapapanood ang Kapamilya Channel  sa SKY channel 8 para sa SD, SKY channel 167 para sa HD, Cablelink channel 8, GSat Direct TV channel 2, at  marami sa mga cable operator ng Philippine Cable and Telecommunications Association (PCTA) sa buong bansa. Available rin ito online sa iWant app o iwant.ph.

Para sa updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Twitter, Facebook, at Instagram o pumunta sa www.abscbnpr.com.