News Releases

English | Tagalog

Serbisyo ang pamamahayag, ayon sa hepe ng ABS-CBN News

July 06, 2020 AT 05 : 07 PM

ABS-CBN News head Ging Reyes emphasized the importance of journalism to Filipinos at the 12th legislative hearing for the ABS-CBN franchise at the House of Representatives today, July 6.

Binigyang diin ni ABS-CBN News head Ging Reyes ang kahalagahan ng pamamahayag sa mga Pilipino sa ika-labindalawang pagdinig para sa prangkisa ng ABS-CBN sa House of Representatives ngayong araw, Hulyo 6.

“Every reporter, writer, producer, anchor, every editor, in the newsroom knows that what we do is not just a job. It is a response to a call to tell the truth and work for a cause greater than ourselves,” ani Reyes, na naroon upang ipagtanggol ang kanyang organisasyon sa mga akusasyon na may pinapanigan daw ito sa pagbabalita.

Giit ni Reyes, bilang mga propesyunal na mamamahayag, sinisikap nilang bantayan ang bias at magbalita sa mga pangyayari, indibidwal, at isyu nang tama, patas, at sa balanseng pamamaraan.

Ang pagbabalita ng katotohanan at serbisyo publiko daw ang hangarin ng bawat mamamahayag. Ito ang kanilang layunin sa bawat pagsalubong sa sakuna upang magbigay ng impormasyong makapagliligtas ng buhay, sa paglalahad ng kwento sa likod ng mga numero, at pagbibigay boses sa mga Pilipinong nangangailangan.

Ito raw ang mga bagay na nahihirapan na silang gawin ngayon matapos ang dalawang cease and desist orders na ipinataw sa ABS-CBN, una noong Mayo 5, at pangalawa noong Hunyo 30.

Ang lubos na apektado raw dito ang mga Pilipino sa malalayong lugar na tanging ABS-CBN lang ang nakakaabot, at ang mga pamilyang hindi kaya magbayad para sa cable TV o internet.

“The shutdown has deprived more than 69 million Filipinos of the kind of information analysis and commentary and public service provided by ABS-CBN News. It has cut off our reach such that two out of three viewers are unable to watch our news programs,” sabi niya.

Nabanggit din ni Reyes na nagkakamali rin sila sa kanilang pagsagawa ng trabaho, ngunit ito ay itinatama nila agad. Pahayag niya, mayroon silang network ombudsman na tumatanggap, nag-iimbestiga, at nagbibigay ng rekomendasyon sa mga reklamo sa mga taga-ABS-CBN News.

Mayroon din silang standards at practices unit na sinisiguradong sumusunod ang mga journalist ng network sa kanilang sariling code of ethics at ang pinakamataas na pamantayan sa pamamahayag.

Samantala, pinatunayan naman ng dating ABS-CBN News anchor at reporter na si Kata Inocencio ang integridad ng ABS-CBN News, na naging tahanan niya sa loob ng 15 taon mula 1986 hanggang 2001.

“We have never been instructed to play favorites, nor to slant stories in favor or against anyone, nor to play partisan politics. We exercise our duty as broadcast journalist based on the ethical standards and responsibilities expected of a professional journalist who is sworn to tell the truth and nothing but the truth, to remain impartial, to air both and all sides as much as possible and as available, and to be fair and balanced in our reporting,”  sabi niya.

Umapila rin sa mga mambabatas si Inoncencio, na bahagi na ng Christian Broadcasting Network, na bigyan ng prangkisa ang ABS-CBN, na siyang katuwang nila sa pagpapalabas ng mga programa tulad ng “700 club,” “Superbook,” at “Oyayi.”