"Ang sentro ng aming mga kwento ay ang pamilyang Pilipino," said Cory Vidanes.
Tiniyak ni ABS-CBN chief operating officer of broadcast na si Cory Vidanes na patuloy na ibabahagi ng network ang mabubuting asal sa mga programa at nangakong pagbubutihin pa ang kalidad ng mga palabas nito kung bibigyan ang network ng bagong prangkisa.
“Rest assured po na iisa po ang ating layunin na mapangalagaan ang moral at spiritual values ng pamilyang Pilipino. We tell po stories that teach life lessons and our stories po embody Filipino values, like hardwork, honesty, respect, resilience, and most of all love for family, country, and God, dahil ang sentro ng aming mga kwento ay ang pamilyang Pilipino,” pahayag ni Vidanes sa pagdinig sa Kongreso sa prangkisa ng ABS-CBN noong Lunes (Hulyo 6).
Nang tanungin kung ano ang kabuluhan ng mga programa nito sa lipunan, sinabi ni Vidanes na patuloy na aayusin ng network ang mga palabas nito dahil pinapahalagan nito ang mga manonood nito at sinisikap nitong matugunan ang mga pangangailangan ng iba’t ibang miyembro ng pamilya.
“We will continue to be responsible content producers that make a positive influence in the lives of the Filipino. Maganda po ang hangarin namin. We want to entertain, inspire, and give hope to the Filipino audience,” ani Vidanes.
Sinabi rin ni Vidanes na may regulasyon sa mga programa ng network at na agad nitong tinatama ang mga mali sa kanilang paghahatid ng de-kalidad na palabas sa mga manonood.
“If there are infractions, we correct them right away. And definitely, we apologize to our audiences,” aniya.
Nangako naman si Vidanes na personal niyang papangasiwaan ang mga producer niya para ituwid ang mga mali nito.
“It’s not about us, it’s about the people we serve, and that’s what we’ve dedicated our lives to. We will continue to improve that service. As I said earlier, we may have our imperfections, but we are going to move forward and we will work at improving our content,” sabi ni Vidanes.
Tiniyak din ni Vidanes na magkakaroon ng mga pagbabago sa mga palabas ng ABS-CBN kung mabibigyan ito ng 25-taong prangkisa.
“I take note of all insights, all the observations. And moving forward po, we will make sure we address them,” aniya.